KC, may mahabang partisipasyon umano sa concert nina Sharon at Gabby ayon kay Cristy

KC, may mahabang partisipasyon umano sa concert nina Sharon at Gabby ayon kay Cristy

- Sa nalalapit na concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, may mahaba umanong partisipasyon ang kanilang anak na si KC

- Ayon kay Cristy, si KC ang magsasalaysay ng love story ng kanyang mga magulang

- Gaganapin ang naturang concert sa October 27 sa SM MOA Arena

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa panayam ni Isko Moreno kay KC, nabanggit nito na hindi na siya makatulog sa nalalapit na concert ng kanyang mga magulang

Habang papalapit ang Dear Heart concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, dumarami rin ang naglalabasang aabangan umano sila sa pagbabalik nila ng entablado.

KC, may mahabang partisipasyon umano sa concert nina Sharon at Gabby ayon kay Cristy
KC Concepcion (@kristinaconcepcion)
Source: Instagram

Isa na nga rito ang nabanggit ni Cristy Fermin kung saan may mahaba raw umanong partisipasyon ang nag-iisang anak nina Sharon at Gabby na si KC Concepcion.

Read also

Nagpakilalang nakarelasyon noon ni Francis M, lumantad sa Pinoy Pawnstars

"Si KC raw po ang magkikwento ng love story ng kanyang mga magulang," ayon sa insider nina Cristy. Isa umano ito sa dapat na abangan sa concert na napakahalaga para kay KC.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inaasahan din na magkakaron ng duet sina KC at Gabby, gayundin sina KC at Sharon at ang posibilidad na magkasama-sama ang tatlo sa entablado.

Dahil dito, marami umano ang labis na nasasabik na mapanood muli ang kanilang idolong love team matapos ng halos apat na dekada.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!

Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite at humanitarian. Pinasok din niya ang mundo ng showbiz at bumida siya sa mga pelikulang For The First Time at When I Met U, gayundin sa mga television series tulad ng Lovers in Paris, Huwag Ka Lang Mawawala at Ikaw Lamang. Siya ang anak ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta at ng kilalang aktor na si Gabby Concepcion.

Read also

Jason sa movie ni Melai: "Manood at support natin ang pinakamaingay na babae na kilala ko"

Sa naging interview ni Ogie Diaz kay Megastar, nasabi nitong napakabuti ng kanyang anak subalit hindi lamang umano nagkakatugma minsan ang kanilang mga ugali.

Samantala, sa isang episode ng Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez, nabanggit ni Cristy ang kaniya umanong paghanga kay Sharon Cuneta kung paano nito napalaki ng maayos ang anak na si KC na malapit pa rin sa kanyang ama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel