Nagpakilalang nakarelasyon noon ni Francis M, lumantad sa Pinoy Pawnstars

Nagpakilalang nakarelasyon noon ni Francis M, lumantad sa Pinoy Pawnstars

- Lumantad umano sa Pinoy Pawnstars ang nagpakilalang nakarelasyon noon ng namayapang si Francis Magalona

- Dala nito ang Jersey ni Francis na umano'y suot nito na maituturing niyang early premonition ng mangyayari rito

- Mayroon din siyang dalang signed notes ng 'Master Rapper' na ang tawag umano sa kanya ay "hon"

- Taong 2007 nang ipanganak niya ang supling nila ni Francis M na ang mismong Master rapper pa umano ang nagpangalan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpakilala ang umano'y nakarelasyon ni Francis Magalona bago ito magkasakit at tuluyang mamayapa.

Nagpakilalang nakarelasyon noon ni Francis M, lumantad sa Pinoy Pawnstars
Abegail Rait (Pinoy Pawnstars/ Boss Toyo Productions)
Source: Youtube

Sa programang Pinoy Pawnstars, lumantad si Abegail Rait na 15 taon umanong nanahimik sa naging estado ng relasyon nito sa tinaguriang Master Rapper.

Dala ni Abegail kay Boss Toyo ang umano'y jersey ni Francis M na tila naging early premonition ng pamamaalam nito sa kanya.

Read also

KC, may mahabang partisipasyon umano sa concert nina Sharon at Gabby ayon kay Cristy

Kwento ni Abegail na isa umanong flight attendant, nanood lamang siya ng Eat Bulaga at gumawa umano si Francis ng paraan na makuha ang numero niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Mula noon ay nabuo na ang kanilang relasyon at nabiyayaan pa sila ng isang supling na 15 taong gulang na rin ngayon.

"Hindi naman ako nagsalita 'e. I know people will judge me but we exist. What we had is real," emosyonal na pahayag ni Abegail.

“For fifteen years nanahimik ako. Siguro naman ito na lang yung karapatan na puwede kong magawa para sa kanya," ang tinutukoy nito ay ang kanila umanong anak na si Gail Francheska.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Boss Toyo Production YouTube channel:

Si Francis Michael Durango Magalona na mas kilala bilang si Francis M ay isang Filipino rapper, singer, songwriter, entrepreneur, actor, at television personality. Siya ang maituturin gn haligi ng Pinoy hip-hop industry. Si Francis M ang ama ng mga showbiz personality na sina Maxene Magalona at Elmo Magalona. Marso ng 2009, binawian ng buhay si Francis M dahil umano sa leukemia.

Read also

Cristy, naawa kay Alden kaugnay pa rin kay Maine: "Pinagbibintangan po siyang isang user"

Samantala, matatandaang naging bahagi rin ng Eat Bulaga si Francis M kung saan umano nito nakilala si Abegail. Sa naturang programa rin isinapubliko ang kanyang pagpanaw na pansamantalang nagpatigil noon sa programa upang alayan siya ng panalangin.

Matatandaang kamakailan lamang, inalala siya ng anak na si Maxene Magalona na naibahagi ang kanayang naging interview sa ama noong 1996.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel