Cristy, naawa kay Alden kaugnay pa rin kay Maine: "Pinagbibintangan po siyang isang user"

Cristy, naawa kay Alden kaugnay pa rin kay Maine: "Pinagbibintangan po siyang isang user"

- Naawa umano si Cristy Fermin kay Alden Richards na muli na namang naging maingay ang pangalan online

- Ito ay kaugnay sa pag-amin umano ni Alden kamakailan sa programang "Fast Talk with Boy Abunda" ng umano'y naramdaman niya noon kay Maine Mendoza

- Dahil dito, naakusahan siya ng ilan ng umano'y 'user' o manggagamit sa kanilang dating naging love team ni Maine

- Kamakailan, ipinalabas na ang pelikula nina Alden at Julia Montes na pinakaabangan din ng marami

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika, Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na! ay ang naging kontrobersyal na pahayag ni Alden Richards sa Fast Talk with Boy Abunda tungkol umano sa naramdaman niya noon kay Maine Mendoza.

Cristy, naawa kay Alden kaugnay pa rin kay Maine: "Pinagbibintangan po siyang isang user"
Alden Richards (Alden Richards Facebook)
Source: Facebook

"Yes Tito Boy. Hypocrite po ako kung hindi. Ayoko pong sabihing alam niya pero I did confess," ang naging sagot ni Alden kay Boy Abunda kung na-fall umano ito sa kaparehang si Maine.

Read also

Nagpakilalang nakarelasyon noon ni Francis M, lumantad sa Pinoy Pawnstars

Gayunpaman, nilinaw ni Alden na sa kabila ng kinahinatnan ng kanilang love team, grateful pa rin siya kay Maine na ngayo'y kasal na kay Arjo Atayde.

"Romance, yes! Tito Boy. Ang daming opportunities na dumating po sa buhay ko because of AlDub. I’m very grateful to Maine. I’m very grateful to Eat Bulaga!," ani Alden.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa naging maanghang na komento ng publiko ay ang pagiging user umano ni Alden na hanggang ngayon ay naiuugnay pa rin si Maine sa kanyang mga panayam.

Dahil dito, aminadong naawa si Cristy kay Alden na maaring hindi umano sinasadya ang naisagot.

"Hanggang ngayon nga po nakakaawa naman si Alden Richards dahil pinapangalan siya, pinagbibintangan po siyang isang user e ito po ang isang klase ng tao na ginawa ang kanyang pangalan na wala siyang ginamit, pinaghirapan niya, propesyunal siya, napakabuti ng kanyang puso. Kaya kung anuman po ang nagaganap ngayon, ito po ay hindi sadya," ani Cristy.

Read also

Rey PJ Abellana: "Si Tom e kusang nagsadya dito at personal na kinausap ako"

Gayunpaman, mas mabuti raw sana kung iniwasan na talaga ni Alden na sagutin ang naturang katanungan. "Pass na po sana ako sa topic na yan kasi lumagay na po sa tahimik si Maine, ayoko na pong makigulo parang ganun," ani Cristy na sana'y naisagot ni Alden.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na!:

Si Alden Richards ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nakilala siya sa pagiging isang host ng Eat Bulaga kung saan nabuo ang love team nila noon ni Maine Mendoza, ang Aldub. Subalit dalawang taon ding namahinga si Alden sa programa at pansamantalang nakabalik noong Marso. Subalit muli na naman siyang nawala roon dahil na rin sa paglisan ng mga orihinal na host nito.

Sa ngayon, bumida muli si Alden sa pelikulang kasama niya sa Julia Montes. Ito ang pagbabalik pelikula ni Alden kung saan iba naman ang kanyang kapareha. Matatandaang pumatok sa takilya ang pelikula nilang Hello, Love, Goodbye ni Kathryn Bernardo.

Read also

Sylvia Sanchez kay Maine Mendoza: "Maine nak, I love watching you & Arjo happy"

Samantala, isa si Megastar Sharon Cuneta sa mga kilalang personalidad na hanga umano sa kabutihang ipinakikita ni Alden. Matatandaang minsan na ring napuri ni Cristy si Alden sa pagkakaroon nito ng paninindigan sa gitna ng isyu noon ng Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel