Boy Abunda, nabanggit ang umano'y pelikulang pagtatambalan nina Julia at Alden

Boy Abunda, nabanggit ang umano'y pelikulang pagtatambalan nina Julia at Alden

- Nabanggit ni Boy Abunda ang tungkol sa proyektong pagbibidahan nina Julia Montes at Alden Richards

- Ito ay may kaugnayan umano sa broken heart post ni Julia na ikinabahala ng marami

- Ipinatanong pa mismo ni Boy Abunda sa management ni Julia Montes kung kumusta na ito dahil sa naturang post

- Ayon pa kay Boy, sa Abril 18 idedetalye at isasapubliko nina Julia at Alden ang tungkol sa proyektong ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

"Julia is okay. She is happy," ang bahagi ng pahayag ni Boy Abunda patungkol kay Julia Montes. nabanggit niya ito sa episode niya ng Fast Talk noong Abril 17.

Nalaman ng KAMI na maging si Boy ay nabahala sa kalagayan ng aktres matapos na maisapubliko ang kanyang post.

Kamakailan kasi'y nai-post ni Julia sa kanyang Instagram ang isang larawan ng broken heart at pinaniniwalaang petsa na '4-18-2023'

Read also

AJ Raval at Aljur Abrenica, pinakilig ang kanilang mga fans sa isang video

Sinasabing ito ang nakatakdang araw kung kailan isisiwalat ni Juli ang tungkol sa post na ito na ikinabahala ng marami.

Mayroon pa ngang nag-akala na may kaugnayan ito sa love life ni Julia dahil sa naturang simbolo.

Marami naman ang naintriga sa post na ito ni Julia at nag-alala. Isa na nga rito si Boy Abunda.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Si Julia Montes o Mara Hautea Schnittka sa totoong buhay ay isang aktres na may lahing German. Nag-umpisa ang kanyang karera sa showbiz nang mapabilang siya sa youth-oriented gag show na "Goin' Bulilit". Bumida din siya sa ilang mga teleserye kagaya ng "Mara Clara", "Asintado" at "Doble Kara".

Kamakailan ay nagbahagi si Julia Montes ng video niya. Umani ng mga puri at positibong komento ang post na ito ni Julia sa kanyang Instagram feed. Marami ang nakapansin sa kanyang kagandahan sa naturang video kung saan sinabi niyang naghahanda siya para sa isang pelikula. Agad na nag-viral ang post na ito ni Julia.

Kabilang sina Julia at Coco Martin sa mga personalidad na dumalo sa ginanap na birthday party para sa ABS-CBN Executive na si Deo Endrinal. Marami din na mga TV personalities ang naroroon sa naturang party. Kabilang sa mga naroroon din ay ang mga Kapamilya stars na sina Dimples Romana, Andrea Brillantes, Alexa Ilacad, at Cherry Pie Picache.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel