AJ Raval at Aljur Abrenica, pinakilig ang kanilang mga fans sa isang video

AJ Raval at Aljur Abrenica, pinakilig ang kanilang mga fans sa isang video

- Kinakiligan sina Aljur Abrenica at AJ Raval ng kanilang mga taga-suporta matapos kumalat ang kanilang sweet na video

- Base sa naturang video ay makikitang may hawak na bouquet si AJ habang may hawak na microphone si Aljur

- Nagyakap ang dalawa hanggang sa hinalikan ni AJ sa pisngi si Aljur at hinalikan din siya ni Aljur

- Base sa ilang social media posts ay nagpunta sila sa Canada kung saan nagkaroon ng show si Aljur at mayroon ding Meet and Greet event

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinakiligan sina Aljur Abrenica at AJ Raval sa isang video kung saan makikitang sweet na sweet ang dalawa. Hayagan ang kanilang pagpapakita ng pagmamahal nila.

AJ Raval at Aljur Abrenica, pinakilig ang kanilang mga fans sa isang video
AJ Raval at Aljur Abrenica, pinakilig ang kanilang mga fans sa isang video (@ajravsss)
Source: Instagram

Sa Facebook reel na binahagi ng Facebook user na si Mi Chelle, makikita ang video kung saan matagal na magkayakap ang dalawa habang hawak ni AJ ang isang bouquet ng bulaklak. Samantala may hawak naman na microphone si Aljur.

Read also

Lie Reposposa at Paul Joshua Marsden, ibinida ang sweet pictures nila sa gitna ng kontrobersiya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si AJ Raval ay isa sa pinakakontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa kanyang mga kinasangkutang kontrobersiya kabilang na ang pagkakaugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica.

Ito ay matapos maghiwalay sina Aljur at Kylie Padilla. Una siyang nakilala sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" sa ilalim ng direksiyon ni Direk Darryl Yap. Anak siya ng dating matinee idol at action star na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez.

Naitanong kay Kylie Padilla ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur at AJ ng kanilang relasyon nitong Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan. Sa ginanap na mediacon ng serye niyang Mga Lihim ni Urduja ay natanong din sa kanya kung ano ang reaksiyon niya sa pangbabash kina ALjur at AJ kasunod ng kanilang post kamakailan. Muli ay sinabi niyang hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang masaya siya para sa kanilang lahat.

Read also

Lovi Poe, isinapubliko ang engagement nila ni Monty Blencowe

Diretsahang sinabi ni Kylie Padilla na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ. Aniya, hindi deserve ni AJ ang hate at bashing na kanyang tinatanggap mula sa mga netizens. Bilang tatay ng kanyang mga anak, gusto daw niyang masaya si Aljur para buo ang kasiyahan ng kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel