Lie Reposposa at Paul Joshua Marsden, ibinida ang sweet pictures nila sa gitna ng kontrobersiya

Lie Reposposa at Paul Joshua Marsden, ibinida ang sweet pictures nila sa gitna ng kontrobersiya

- Nag-post sina Lie Reposposa at Paul Joshua Marsden ng parehas na picture nila sa Instagram sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ni Lie

- Matatandaang nag-viral ang video kung saan sinasabing si Lie Umano ang babaeng nasa video na may kahalikang ibang lalaki

- Wala namang nilalabas na pahayag si Lie kaugnay sa isyu ngunit kapansin-pansin na naka-off ang comment section ng kanilang social media posts

- Sa pahayag namang pinadala nila sa KAMI, nabanggit nilang dalawa na okay naman ang kanilang relasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Unbothered sina Lie Reposposa at Paul Joshua Marsden para sa ilang netizens matapos nilang ibida ang sweet picture nilang dalawa sa gitna ng isyung kinasasangkutan ni Lie. Sa pahayag namang pinadala nila sa KAMI, nabanggit nilang dalawa na okay naman ang kanilang relasyon.

Read also

Lovi Poe, isinapubliko ang engagement nila ni Monty Blencowe

Lie Reposposa at Paul Joshua Marsden, ibinida ang sweet pictures nila sa gitna ng kontrobersiya
Lie Reposposa at Paul Joshua Marsden, ibinida ang sweet pictures nila sa gitna ng kontrobersiya
Source: Instagram

Sa TikTok ay usap-usapan ang video na umano ay kuha sa isang bar sa Poblacion kung saan may makikitang babae na may kahalikan. Hindi malinaw kung si Lie ito pero si Lie ang sinasabing babae sa naturang video.

Hindi naging maganda ang reaksiyon ng netizens lalo at hindi lingid sa publiko ang pagkakaroon niya ng boyfriend. Ito si Paul Joshua Marsden na nag-post din ng picture nilang dalawa sa kabila ng isyung pinupukol sa kasintahan niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Read also

Melai Francisco, naka-relate kay Gladys Reyes: "'Yung asawa ko kawawa din... Iniisip din ganyan"

Matatandaang nag-viral ang paglabas ni Lie ang kanyang sama ng loob matapos niyang matuklasan ang umano'y pangba-backstab ng kanyang teacher. Aniya, dahil nais niyang mapagsabay ang pagtatrabaho at ang pag-aaral, sinubukan niya ang Alternative Learning System o ALS. Kasabay ng kanyang mensahe kaugnay sa kanyang saloobin sa nasabing teacher, ibinahagi niya ang screenshot ng mensahe ng teacher kung saan makikitang kausap nito ang ilan ding nag-aaral sa ALS. Nasabi pa nito na si Lie umano ay feeling artista na talaga namang inalmahan ng mga tagahanga ni Lie.

Game na game si Melai Cantiveros sa 'Bisaya Challenge' sa kanya ni Kim Chiu. Part 2 na ito dahil ang unang nakasama ni Kim sa kanyang bisaya challenge ay sina Maymay Entrata at Lie. Marami raw ang naghanap kay Melai sa part 1 kaya naman siniguro ni Kim na makakasama na niya ito sa part 2. Lalo pang naaliw ang mga nakapanood dahil sa makulit na tawa ni Kim na tuwang-tuwa kay Melai.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel