Melai Francisco, naka-relate kay Gladys Reyes: "'Yung asawa ko kawawa din... Iniisip din ganyan"

Melai Francisco, naka-relate kay Gladys Reyes: "'Yung asawa ko kawawa din... Iniisip din ganyan"

- Tila naka-relate si Melai Francisco sa mga naibahagi ni Gladys Reyes tungkol sa mister niyang si Christopher Roxas

- Emosyonal na naikwento ni Gladys ang tungkol sa umano'y inaakala ng marami na siya lamang ang inaasahan ng mister

- Lingid lamang daw kasi sa kaalaman ng nakararami na karamihan ng kanilang negosyo ay ideya ni Christopher

- Doon naalala rin ni Melai ang umano'y nasa isip ng netizens patungkol sa kanyang mister na si Jason Francisco

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naka-relate umano si Melai Francisco sa mga naikwento ni Gladys Reyes tungkol sa mister niyang si Christopher Roxas.

Melai Cantiveros and Jason Francisco (Melai Cantiveros Francisco)
Melai Cantiveros and Jason Francisco (Melai Cantiveros Francisco)
Source: Facebook

Hindi napigilan ni Gladys na maluha habang ibinabahagi ang pinagdaanan ng mister na inakala ng marami ay umaasa lamang sa kanya.

Dahil siya umano ang madalas pa rin na makita sa telebisyon at maging online, hindi alam ng marami na si Christopher ang may ideya at nasa likod ng kanilang matatagumpay na negosyo.

Read also

Alfred Vargas, sa maselang pagbubuntis ng misis: "Awang-awa talaga ako sa misis ko"

Naroon ding napuri nina Regine Velasquez, Jolina Magdangal at Melai Francisco ang mag-asawang Gladys at Christopher na sa loob ng 30 taon ay maayos na nagsasama.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Doon naikwento rin ni Melai na tila pareho sila ng dinaranas ni Gladys na ang inakala ng marami ay sa kanya naman nakadepende si Jason.

"Ako isa rin sa biktima ng ganyan e. 'Yung asawa ko kawawa din. Iniisip din ganyan. Sobrang kawawa talaga. Hindi niyo ba alam ang pinakang nasasaktan ay 'yung asawa. 'Pag ginagawa niyo 'yan sa mga asawa namin," ani Melai.

"So 'wag na 'wag niyong gagawin dahil ang mga asawa namin may mga career... Importante sa mag-asawa 'yung individuality na career 'yung hindi yung porke't ako artista wala na siyang ginagawa. Meron din siyang ginagawa na hindi naman niya kailangang sabihin sa inyo," paalala pa niya.

Read also

Maja Salvador, nilarawan na 'almost perfect' ang mister na si Rambo Nuñez

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Magandang Buhay, ABS-Entertainment YouTube channel:

Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jayson Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Kamakailan, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jayson. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong nag-viral at nag-trending dahil sa mga kulitan labis na nakapagpapasaya sa mga manonood.

Tila mayroon din itong show na kinunan sa Korea base na rin sa mga ibinabahagi niyang update sa pag-stay doon. Katunayan, mabilis na nag-viral ang post na umano'y kuha sa kanilang shoot na tila nagtataka ang mga kasamang Koreano kung bakit siya ang artista nila para sa proyekto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel