Alfred Vargas, sa maselang pagbubuntis ng misis: "Awang-awa talaga ako sa misis ko"

Alfred Vargas, sa maselang pagbubuntis ng misis: "Awang-awa talaga ako sa misis ko"

- Idinetalye ni Alfred Vargas ang maselang pagbubuntis ng kanyang misis na si Yasmine

- Nabiyayaan na ng dalawang babae at isang lalaking anak sina Alfred at Yasmine at ngayong excited na silang makasama ang ikaapat

- Ani Alfred, awang-awa siya sa kondisyon ng misis na may pagkakataong 12 na beses na sumusuka sa isang araw

- Sa kabila nito, malaking bagay na naaasahan na umano nila ang kanilang mga anak sa pag-aalaga sa kanilang ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay ng detalye si Alfred Vargas patungkol sa maselang pagbubuntis ng kanyang misis na si Yasmine.

Alfred Vargas, sa maselang pagbubuntis ng misis: "Awang-awa talaga ako sa misis ko"
Alfred Vargas and Yasmine Espiritu- Vargas (@yasmine_vargas23079)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ni Morly Alinio, nasabi ni Alfred ang kondisyon ng misis na siyang nakadagdag sa hirap ng pagdadalangtao nito sa kanilang ikaapat na anak.

"Bukod sa hyperemesis, meron siyang generalized anxiety disorder. Nagkakaroon siya ng palpitations. Nagkakaroon siya ng anxiety attacks without triggers. So may hyperemesis ka na tapos may anxiety attacks pa, super hirap," paliwanag ni Alfred.

Read also

Melai Francisco, naka-relate kay Gladys Reyes: "'Yung asawa ko kawawa din... Iniisip din ganyan"

"Mahirap kasi araw-araw nakikita mong nagsa-suffer 'yung misis mo e. Tapos wala kang magawa. alam mo 'yung term na kung pwede lang ako 'yung magbuntis, ako na sana ang magbubuntis para sa kanya. Pero hindi," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila nito, malaking bagay na naaasahan na umano nila ang kanilang mga anak sa pag-aalaga sa kanilang ina at madalas na ring nasa bahay si Alfred upang mabantayan ang misis.

"'Pag nahihirapan siya mentally, nahihirapan din siya physically. Ta's may times na 12 times a day siya nagsusuka. Awang-awa talaga ako sa misis ko. Imbis na tumaba siya, pumayat pa siya. Bed rest lang siya. Meron time dapat 15 minutes lang siya na tumatayo, gumagalaw. May mga araw na okay siya, may mga araw na naku, hindi talaga. Ang mahalaga, mas madalas akong nakikita sa bahay. Nandun ako for her."

Read also

Maja Salvador, nilarawan na 'almost perfect' ang mister na si Rambo Nuñez

Labis din ang pasasalamat ng pamilya ni Alfred dahil sa suportang ibinigay sa kanila ng mga taong nagpadala agad ng mesahe matapos nilang maisapubliko ang pinagdaraanan ni Yasmin.

Narito ang kabuuan ng panayam mula sa Morly Alinio (Ito ang Tondo) YouTube channel:

Si Alfred Vargas ay isang actor, model at politician sa Pilipinas. Kasal siya kay Yasmin Espiritu na kapansin-pansin ang kagandahang nahahawig umano kay Marian Rivera. Nabiyayaan sila ng tatlong mga anak na sina Alexandra Milan Vargas, Aryana Cassandra Vargas, at Alfredo Cristiano Vargas IV. Kasalukuyang ipinagbubuntis ni Yasmine ang ikaapat nilang anak.

Kamakailan lamang, humingi ng dasal at suporta si Alfred para sa maselang pagbubuntis ng kanyang misis. Mayroon umano itong hyperemesis gravidarum, at General Anxiety Disorder (GAD) na siyang nabanggit din niya sa panayam kay Morly.

Samantala, kamakailan ay nagtapos na rin ng master’s degree in public administration from the University of the Philippines. Ibinida niya umano ito sa kanyang social media pages kasama ang kanyang graduation picture at ang mensahe ng pasasalamat na nagsilbing inspirasyon at suporta upang makamit niya ang panibagong tagumpay na ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel