Lie Reposposa, naglabas ng sama ng loob sa teacher na umano'y backstabber

Lie Reposposa, naglabas ng sama ng loob sa teacher na umano'y backstabber

- Inilabas ni Lie Reposposa ang kanyang sama ng loob matapos niyang matuklasan ang umano'y pangba-backstab ng kanyang guro

- Aniya, dahil nais niyang mapagsabay ang pagtatrabaho at ang pag-aaral, sinubukan niya ang Alternative Learning System o ALS

- Kasabay ng kanyang mensahe kaugnay sa kanyang saloobin sa nasabing guro, ibinahagi niya ang screenshot ng mensahe ng guro kung saan makikitang kausap nito ang ilan ding nag-aaral sa ALS

- Nasabi pa nito na si Lie umano ay feeling artista na talaga namang inalmahan ng mga tagahanga ni Lie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilan ni Lie Reposposa na ilabas ang kanyang sama ng loob sa isang guro na aniya ay "backstabber."

Kasabay ng kanyang mensahe sa kanyang Facebook, ibinahagi din ni Lie ang ilang screenshots ng mga sinabi ng guro laban sa kanya.

Read also

Pinakabagong post ni Lie Reposposa, inulan ng suporta matapos ang kanyang post kamakailan

Lie Reposposa, naglabas ng sama ng loob sa teacher na umano'y backstabber
Lie Reposposa (@liereposposaofc)
Source: Instagram
Diko alam anong mararamdaman ko maiiyak ba ako o maiinis. Gusto ko lang naman pag sabayin yong pag aaral at pagtatrabaho. Kaya nag ALS ako para matulungan ko magulang ko .

Aniya gusto niya lang naman na makapagtapos siya para sa kanyang kinabukasan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa kasalukuyan ay burado na ang nasabing post ni Lie sa Facebbok account niya.

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa PBB

Ang Pinoy Big Brother ay isang reality show kung saan kinakailangan mamalagi ng mga kalahok sa isang bahay na kilala sa tawag na Pinoy Big Brother House. Matutukoy ang big winner sa pamamagitan ng pagtagumpay sa mga hamon na dapat kaharapin sa loob ng bahay at sa tulong na rin ng mga boto mula sa manonood.

Read also

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI naibahagi ni Lie ang naging epekto ng pandemya sa kanyang showbiz career.

Sinagot din ni Lie ang isyu na umano'y nagparetoke siya matapos mag-viral ang kanyang glow-up pictures.

Kagaya ng laging paalala namin dito sa KAMI, ugaliing maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Laging isaisip na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng opinyon ay ang pananagutan sa bawat salitang maaring makakasira sa imahe ng ibang tao.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel