Jason sa movie ni Melai: "Manood at support natin ang pinakamaingay na babae na kilala ko"

Jason sa movie ni Melai: "Manood at support natin ang pinakamaingay na babae na kilala ko"

- Nagpakita ng suporta si Jason Francisco sa pelikula ng kanyang misis na si Melai Cantiveros-Francisco

- Inilabas na kasi ang movie poster ng pelikula ni Melai na 'Ma'am Chief Shakedown in Seoul'

- Matatandaang nanatili sina Melai at kanyang pamilya kamakailan sa Seoul, Korea para mag-shoot ng naturang pelikula

- Samantala, isa si Melai sa mga host ng 'It's your lucky' day na pansamantalang pumalit sa It's Showtime

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Todo support si Jason Francisco sa pag-promote ng pelikula ng kanyang misis na si Melai Cantiveros-Francisco.

Jason sa movie ni Melai: "Manood at support natin ang pinakamaingay na babae na kilala ko"
Jason Francisco at movie poster ni Melai Francisco para sa pelikula niyang Ma'am Chief (Jason Francisco)
Source: Facebook

Inilabas na kasi ang movie poster ng pelikulang Ma'am Chief Shakedown in Seoul na pinagbibidahan ni Melai.

Sa kanyang Facebook post, may makulit na lambing si Jason sa kanilang fans.

"KAMSAMIII... Sabay sabay po tayo manuod at suport naten ang pinaka maingay na babae nakilala ko. Let’s Gow!"

Read also

Heart Evangelista, pinusuan ang Instagram post ni Marian Rivera

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaan na ilang buwan na ang nakalipas nang magtungo sina Melai at kanyang pamilya sa Korea.

Ito ay para sa shooting ng naturang pelikula gayundin ang bonding nila ng kanyang mga anak, asawa at maging ng kanyang ina na makikitang nag-enjoy sa kanilang Korea trip.

Sa Facebook ng Melason, nabanggit na ipalalabas ang naturang pelikula sa susunod na buwan.

"Ang “FANGIRL PULIS NG BAYAN”, nandito na! Ready na si Ma’am Chief, Selda Kaptan. Coming soon in cinemas nationwide this November 15."

Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jayson Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Read also

Toni Gonzaga sa kanyang pinakabagong vlog: "My life lately"

Kamakailan, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jayson. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong nag-viral at nag-trending dahil sa mga kulitan labis na nakapagpapasaya sa mga manonood.

Sa ngayon, bahagi si Melai ng noontime show na It's your Lucky Day. Ito ang programang pansamantalang pumalit sa It's Showtime habang hinaharap nito ang kanilang 12-day suspension ng MTRCB. Kasama ni Melai sa nasabing noontime show sina Luis Manzano, Robi Domingo , FranSeth, mga komedyanteng sina Long Mejia, Negi, Divine Tetay at Petite.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel