Heart Evangelista, pinusuan ang Instagram post ni Marian Rivera

Heart Evangelista, pinusuan ang Instagram post ni Marian Rivera

- Marami ang natuwa sa komento ni Heart Evangelista sa Instagram post ni Marian Rivera

- Matapos ang pag-follow nila sa isa't-isa, mukhang tuloy-tuloy na ang panunumbalik ng pagkakaibigan ng dalawa

- Matatandaang bago maganap ang kanilang hindi pagkakaunawaan noon sa "Temptation Island" ay naging malapit sila sa isa't-isa

- Kaya naman, ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga na muli silang makitang nagsasagutan sa kanilang mga komento sa social media

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinusuan ni Heart Evangelista ang isang Instagram post ni Marian Rivera. Ito ay kasunod ng paglabas ng balitang naka-follow na sila sa isa't-isa sa Instagram.

Heart Evangelista, pinusuan ang Instagram post ni Marian Rivera
Heart Evangelista, pinusuan ang Instagram post ni Marian Rivera
Source: Instagram

Sinagot nman ni Marian ng hand heart emoji ang heart emoji na comment ni Heart sa kanyang post. Bago man sa mga followers ni Marian, marami sa kanila ang natuwa. Narito ang ilan sa mga komento:

Read also

Leren Mae Bautista sa social media culture: "You can really lose yourself"

nag ccomment si naiiyak ako
OMG! Okay na sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

What’s happening?!? I’m loving what i’m seeing

Matatandaang bago maganap ang kanilang hindi pagkakaunawaan noon sa Temptation Island movie nila ay naging malapit sila sa isa't-isa.

Ikinasal si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Read also

Heart Evangelista at Marian Rivera, naka-follow na sa isa't-isa sa Instagram

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel