Heart Evangelista at Marian Rivera, naka-follow na sa isa't-isa sa Instagram

Heart Evangelista at Marian Rivera, naka-follow na sa isa't-isa sa Instagram

- Naka-follow na sa isa't-isa sina Marian Rivera at Heart Evangelista at marami sa kanilang mga fans ang natuwa

- Kahit maituturing na parehas na malalaking pangalan sa GMA Network, naging usap-usapan ang isyu ng dalawa lalo na at nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan noon

- Dahil sa kanilang nakaraan at sa naging reaksiyon ng kanilang mga tagahanga, palagi silang nakukumpara

- Matapos ang naging isyu nila noon ay hindi pa muling nagkakatrabaho ang dalawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang natuwa sa pag-follow nina Marian Rivera at Heart Evangelista sa isa't isa. Kahit parehas na nasa GMA-7 ay hindi na nagkatrabaho sina Marian at Heart matapos ang Temptation Island movie nila noong 2011.

Heart Evangelista at Marian Rivera, naka-follow na sa isa't-isa sa Instagram
Heart Evangelista at Marian Rivera, naka-follow na sa isa't-isa sa Instagram
Source: Instagram

Matapos ang kanilang naging isyu noon ay hindi na silanagkatrabaho kaya't marami sa kanilang mga fans ang natuwa. Kadalasan ay makikita sa social media ang bangayan ng kanilang mga supporters pero sa nangyari ay marami ang umaasang makitang magkasama ang dalawa sa maituturing na pinakasikat na artista ng GMA 7 sa kasalukuyan.

Read also

Piolo Pascual, trending dahil sa kanyang todo-bigay na paghataw sa dance floor

Heart Evangelista at Marian Rivera, naka-follow na sa isa't-isa sa Instagram
Heart Evangelista at Marian Rivera, naka-follow na sa isa't-isa sa Instagram
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ikinasal si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel