Piolo Pascual, trending dahil sa kanyang todo-bigay na paghataw sa dance floor

Piolo Pascual, trending dahil sa kanyang todo-bigay na paghataw sa dance floor

- Trending video ni Piolo Pascual kung saan makikita siyang sumasayaw sa dance floor

- Hindi ito nagpatalo sa dance showdown sa lalaking kasama niya sa video na hindi kita ang mukha dahil nakatalikod ito

- Bukod sa kanyang kapogian, marami ang nagsabing mukha itong hindi tumatanda

- Umani ng samu't-saring komento ang video na ito na binahagi sa TikTok ng isang netizen na may handle na @alisababy30

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Todo-bigay si Piolo Pascual sa isang dance showdown sa isang video na nag-trending. Makikita ang aktor na sumasayaw sa dance floor kasama ang lalaki at iba pang kasamahan.

Piolo Pascual, trending dahil sa kanyang todo-bigay na paghataw
Piolo Pascual, trending dahil sa kanyang todo-bigay na paghataw (@piolo_pascual)
Source: Instagram

Hindi naman malinaw kung sino ang lalaking kasama niya sa video na binahagi sa TikTok ng netizen na may handle na @alisababy30. Gayunpaman, naka-mention sina Darren Espanto at Iñigo Pascual sa naturang TikTok video.

Read also

Heart Evangelista at Marian Rivera, naka-follow na sa isa't-isa sa Instagram

Umani ng samu't-saring komento ang video na ito. Narito ang ilan sa mga komento;

I don’t care kahit ano sabihin ng iba basta ang gwapo nya juskooo pinakagwapong artistang pinoy no one even comes close. Sya lang nakita kong ganyan kagwapo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Active talaga sa clubbing si papa P nakasabayan dn namin yan sya one time. Gwapo talaga di tumatanda ang mukha.
Sa wakas Nakita Ko na si Papa P na sumayaw galing pala nia eh..Sana Makita ko na sasayaw sya sa ASAP

Si Piolo Jose Nonato Pascual ay isang actor, singer, model, at producer sa bansa. Kabila-kabila ang mga pelikula niyang pumatok sa takilya tulad nang 'Breakup Playlist' kung saan kasama niya si Sarah Geronimo at 'Starting Over Again' kung saan nakapareha naman niya si Toni Gonzaga.

Read also

Julia Montes, naikwentong deaf-mute ang parehong magulang: "growing up, hirap akong mag-express"

Samantala, matatandaang minsan nang napabalitang exclusively dating noon sina Shaina at Piolo Pascual. Subalit sa panayam ni Ogie Diaz kay Piolo noong Hunyo ng kasalukuyang taon, nabanggit nitong ilang taon na siyang single at hindi pa umano handang pumasok muli sa isang relasyon.

Nasabi rin niyang, hindi niya prayoridad ngayon ang pakikipagrelasyon lalo na ang paglagay sa tahimik dahil sa dami ng pwede pa niya umanong gawin. Matatandaang pinasok na rin ni Piolo ang mundo ng teatro na para sa kanya, isa umano itong panibagong karangalan gayung mahal niya talaga ang pag-arte.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel