Julia Montes, naikwentong deaf-mute ang parehong magulang: "growing up, hirap akong mag-express"

Julia Montes, naikwentong deaf-mute ang parehong magulang: "growing up, hirap akong mag-express"

- Naikwento ni Julia Montes ang pagiging deaf-mute ng parehong magulang

- Aniya, ito ang dahilan bakit sa kanyang paglaki, hirap siyang mag-express ng kanyang saloobin

- Gayunpaman, natuto siya ng sign language upang makausap ang ina at maipaliwanag ang pinag-uusapan sa paligid nila

- Naibahagi rin ni Julia ang kanyang mga pinagdaanan bago pasukin ang showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakapanayam ni Bernadette Sembrano sa kanyang YouTube channel ang aktres na si Julia Montes.

Julia Montes, naikwentong deaf-mute ng parehong magulang: "growing up, hirap akong mag-express"
Julia Montes kasama ang kanyang Mama Gemma, Mami Flory at sa isang larawan, kasama niya ang kanyang ama. (@montesjulia08)
Source: Instagram

Doon, naikwento ni Julia ang tungkol sa kanyang mga magulang na pareho umanong deaf-mute.

Aniya, ito umano ang nakikita niyang dahilan bakit lumaki umano siyang hirap maihayag ang kanyang saloobin.

"Kaya siguro din, growing up, hirap akong mag-express. Napansin nila recently na ayan 'pag nagasasalita ako may hand gestures. Kasi growing up, i-explain ko kay mama"

Read also

Rica Peralejo sa viral church lipat video: "I was really bothered when I saw the video"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Subalit sinikap din niyang matuto ng sign language upang makausap ang ina at maipaliwanag dito ang mga nangyayari o napag-uusapan sa tuwing kasama niya ito.

"Kunwari ngayon nag-uusap tayo ta's andiyan si Mama, kailangan ko i-explain thru sign language para ma-appreciate niya."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Julia mula sa Bernadette Sembrano YouTube channel:

Si Mara Hautea Schnittka o mas kilala bilang si Julia Montes ay isinilang noong March 19, 1995, sa Pandacan, Manila. Una siyang nakilala sa Going Bulilit kung saan nakasama rin niya ang iba pang child stars tulad ni Kathryn Bernardo. Hinangaan sila sa pagganap nila sa remake ng Mara Clara kung saan sila ni Kathryn ang bumida.

Samantala, sa panayam ni Ogie Diaz kay Julia nabanggit nito kung gaano ka-espesyal ang pagkakaibigan nila ni Kathryn. Pabiro pa niya itong nilarawan bilang 'original love team' dahil sa closeness nilang dalawa off cam. Aniya, nais nga nilang magkaroon muli ng proyekto ni Kathryn na magkakasama muli silang dalawa.

Read also

Cristy, sa pabalik-balik na isyung hiwalay na ang Kathniel: "Palagay ko sila pa rin"

Sa ngayon, bumibida muli si Julia sa pelikulang Five Breakups and a Romance kasama si Alden Richards. Masasabing ito ang comeback movie ni Julia gayung ilang taon din siyang napahinga sa paggawa ng proyekto para sa big screen. Aminado si Julia na naging komportable siyang katrabaho si Alden gayung kaibigan niya talaga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel