Iwa Moto, idinaan sa pagru-rubiks cube ang lungkot: "Trying to cope with everything.."

Iwa Moto, idinaan sa pagru-rubiks cube ang lungkot: "Trying to cope with everything.."

- Binahagi ni Iwa Moto ang kanyang paraan kung paano niya kinakaya ang pinagdadaanang kalungkutan

- Sa kanyang post sa TikTok ay dinaan niya sa paglalaro ng rubiks cube ang lungkot na nararamdaman

- Matatandaang kamakailan ay kabilang si Iwa sa naghayag ng matinding kalungkutan sa balitang pumanaw si Yzabel Ablan na naging malapit sa kanya noong karelasyon pa ni Iwa ang ama nito

- Marami naman ang nakiramay at napahayag ng kanilang mensahe upang magpakatatag si Iwa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Iwa Moto ng video kung saan bakas pa rin ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Aniya, sinusubukan pa rin niyang kayanin ang mga nangyari.

Iwa Moto, idinaan sa pagru-rubiks cube ang lungkot: "Trying to cope with everything.."
Iwa Moto, idinaan sa pagru-rubiks cube ang lungkot: "Trying to cope with everything.."
Source: TikTok

Makikitang naglalaro ng rubiks cube si Iwa sa kanyang post. Sa kanyang mga naunang post ay binahagi ni Iwa ang pictures nila ni Yzabel Ablan. Naging malapit ito sa kanya nang makarelasyon ni Iwa ang ama niyang si Mickey Ablan.

Read also

Jason Francisco nang tanungin ng birthday wish nya: "Sana magdikit na ang ngipin ng mama nyo"

Sa mabigat ng pinagdadaanan ni Iwa ay marami sa kanyang mga followers ang nakiramay at naghayag ng mensahe para patatagin ang loob nito. Narito ang ilang mensahe:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kita Sa Mata ang lungkot..napakabuti nyo po khit step daughter nyu Lang Pero solid ang love nyo sa kanya
Laban lang po Ms. Iwa. She's in a safe place now.
Be strong miss Iwa God bless you always and your family.

Si Iwa Moto ay isang aktres na unang nakilala sa reality talent search ng GMA-7, ang Starstruck kung saan hinirang siyang 1st Runner up sa 3rd season nito. Ang kanyang partner na si Pampi Lacson ay may anak din kay Jodi Sta. Maria. Marami ang natutuwa sa magandang samahan nina Iwa at ex ni Pampi na si Jodi. Sa katunayan, may mga pagkakataon na namamataan silang magkasama.

Read also

Yexel Sebastian, nagsalita sa kinasasangkutang isyu: "Palagay ko ito na ang tamang panahon"

Hindi minasama ni Jodi Sta. Maria ang pag-post ni Iwa sa video ng anak niyang si Thirdy Lacson na nag-over-the-bakod. Ani Jodi, naniniwala siyang walang masamang intensiyon si Iwa sa kanyang pagpost. Dagdag pa niya, magkaibigan sila ni Iwa at sa tingin niya ay cute at funny ang video na ito ni Thirdy. Sina Iwa at Jodi ay hinahangaan ng marami dahil sa kanilang pagiging malapit na magkaibigan sa kabila ng kanilang kalagayan.

Nagbahagi si Iwa ng isang appreciation post para sa kanyang asawang si Pampi Lacson. Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan niya ito sa pagiging mabuting ama sa kanilang mga anak at isang mabuting asawa sa kanya. Aniya sa kabila ng mga pinagdaanan nila ay nanatili silang magkasama at palagi umano siyang mananatili sa tabi ni Pampi. Alam niya daw na marami pa silang kakaharapin ngunit aniya ay palagi niyang pipiliin si Pampi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel