Jodi Sta. Maria sa pagpost ni Iwa Moto sa video ni Thirdy: ‘Wala siyang masamang intensiyon’

Jodi Sta. Maria sa pagpost ni Iwa Moto sa video ni Thirdy: ‘Wala siyang masamang intensiyon’

- Hindi minasama ni Jodi Sta. Maria ang pag-post ni Iwa Moto sa video ng anak niyang si Thirdy Lacson na nag-over-the-bakod

- Ani Jodi, naniniwala siyang walang masamang intensiyon si Iwa sa kanyang pagpost

- Dagdag pa niya, magkaibigan sila ni Iwa at sa tingin niya ay cute at funny ang video na ito ni Thirdy

- Sina Iwa at Jodi ay hinahangaan ng marami dahil sa kanilang pagiging malapit na magkaibigan sa kabila ng kanilang kalagayan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Jodi Sta. Maria, ayaw niyang masamain ang pag-post ni Iwa Moto ng viral na video ng pagtalon ng anak niyang si Thirdy Lacson sa bakod. Sa video na binahagi ni MJ Marfori sinabi ni Jodi na naniniwala siyang walang masamang intensiyon si Iwa.

Jodi Sta. Maria sa pagpost ni Iwa Moto sa video ni Thirdy: ‘Wala siyang masamang intensiyon’
Jodi Sta. Maria sa pagpost ni Iwa Moto sa video ni Thirdy: ‘Wala siyang masamang intensiyon’
Source: Instagram

Ani Jodi, baka natatawa si Iwa sa video ng anak kaya niya ito naibahagi.

Read also

Pastor Dimver Andales, nakatanggap ng subpoena kaugnay sa Adriane Fornillos murder case

"Iwa and I are friends so ayokong masamain ang pagpo-pos. I believe na nai-post niya iyon kasi she found it siguro cute and funny."

Aniya, malamang ay naisip ni Iwa na marami ang makaka-relate.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Naniniwala ako na wala naman siyang masamang intention sa post na ‘yon. Siguro parang iniisip lang niya kasi na ang daming makaka-relate sa post na iyon.

Si Jodi Sta. Maria ay isa sa mga iconic actresses sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang si "Maya" sa 'Please Be Careful With My Heart.' Siya ay may anak sa dating karelasyon na si Pampi Lacson na pinangalanan nilang si Thirdy.

Sa kanyang post sa Instagram, binahagi ni Jodi ang throwback picture kung kailan iba pa umano ang paraan ng pakikipag-bonding sa mga kaibigan. Ginamit niya ang hashtag na #batang90s kalakip ng kanyang caption tungkol sa pagpunta sa photo studio ng mga magkaibigan para magpakuha ng litrato. Magsusulat din sila ng kanilang dedication para sa mga kaibigan sa likod ng litrato.

Read also

Ogie D, tila may payo kina Vice Ganda: "mas maganda siguro mag-courtesy call sila sa MTRCB"

Kabilang si Jodi sa nag-comment sa sweet na message ni Iwa Moto para sa partner niyang si Pampi Lacson. Naglagay ng tatlong heart emojis si Jodi sa naturang post ni Iwa kalakip ng pictures nila ni Pampi. Pabiro namang sinagot ni Iwa ang comment ni Jodi at sinabi nito na may ipapabili daw siya kay Pampi. Dahil sa pagiging magkaibigan nina Iwa at Jodi ay marami ang natutuwa sa kanila sa kabila ng kanilang mga nakaraan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel