Mayor Niña Jose, pinapalitan ang mic na ginagamit: "Sorry mabaho talaga yung mic"

Mayor Niña Jose, pinapalitan ang mic na ginagamit: "Sorry mabaho talaga yung mic"

- Hindi kinaya ni Bayambang Mayor Niña Jose ang amoy ng microphone na gagamitin sana niya

- Kaya naman, agad siyang nakiusap kung pwede daw bang palitan yung mic dahil may bad breath daw at hindi niya talaga kaya ang amoy

- Humingi naman siya ng dispensa dahil mabaho daw talaga yung mic at amoy 'maasim' daw iyon

- Natawa naman siya habang nagpapaliwanag at aniya ay ayaw naman niyang magka-halitosis

Viral ang video clip ng pagpapapalit ni Mayor Niña Jose ng microphone dahil aniya ay hindi niya kinaya ang amoy. Nag-sorry naman siya dahil amoy 'maasim' daw ang mic.

Mayor Niña Jose, pinapalitan ang mic na ginagamit: "Sorry mabaho talaga yung mic"
Mayor Niña Jose, pinapalitan ang mic na ginagamit: "Sorry mabaho talaga yung mic"
Source: Facebook

Base sa kumalat na video clip, magsisimula pa lang ito ng kanyang talumpati. Diretsahan nitong sinabi na gusto niyang papalitan ang mic dahil aniya ay may bad breath na amoy sa mic.

Poca can I change the mic, there's bad breath here. Sorry mabaho talaga yung mic. Sorry, I can't. It's amoy maasim. I don't wanna have halitosis you know.

Read also

Alex Gonzaga, binahagi ang video ng pagkikita nila ni Mikee matapos mawalay nang 9 na araw

Sa kabila ng mga samu't-saring reaksiyon, ilan naman sa nagpakilalang nasasakupan ni Mayor Niña ang nagtanggol sa kanya at sinabing maayos ito sa kanyang pamumuno bilang mayor sa kanilang lugar.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Niña Jose o Mary Claire Niña José-Quiambao sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong taong 2006. Taong 2017 nang ikasal siya kay Cezar Quiambao na isang politiko at businessman mula Bayambang, Pangasinan.

Para sa tanong ng kanyang mister kung magpapakasal pa siyang muli sakaling mauna siyang pumanaw, diretsahan ang naging sagot ni Niña Jose. Aniya, hindi na siya magpapakasal muli sakaling mangyari ang ganoong bagay. Nagkasubukan ang mag-asawa sa husay sa pagsagot sa mga katanungan nila sa isa't-isa sa kanilang Lie Detector Challenge. Ito ay kanilang ibinahagi sa pagdiriwang ng kanilang wedding anniverary upang maipakita sa publiko at mas makilala pa silang mag-asawa.

Read also

Mayor Niña Jose, naggpaliwanag tungkol sa mabahong mic: "Hindi ginamit ng sinuman bago ko gamitin"

Hindi ipinagkaila ni Mayor Cezar Quiambao na si Niña ang kanyang greatest love. Inamin niya ito matapos itanong sa kanya ng misis ang tungkol dito sa kanilang ginawang Lie Detector Challenge. Aminado din itong na love at first sight siya sa misis na una munang naging kaibigan bago niya naging karelasyon. Naiintriga at nahuhusgahan man dahil sa kanilang 33 taong agwat ng kanilang edad, laging ibinabahagi ni Niña kung gaano niya kamahal ang kanyang mister.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel