Sharon Cuneta, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon matapos makita si Taemin ng grupong SHINee

Sharon Cuneta, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon matapos makita si Taemin ng grupong SHINee

- Hindi maitago ni Sharon Cuneta ang kanyang tuwa na nakaharap niya ang miyembro ng K-pop group na SHINee

- Ani Mega, naiyak siya at tila hindi makapaniwala na makakaharap niya si Taemin

- Sa isang post ay pinakita pa niya na napaupo siya sa sahig matapos ang kanilang pagkikita

- Marami naman sa fans ni Sharon ang nakarelate at ganoon din daw sila kapag makita nila sa personal ang Megastar

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Sharon Cuneta na naiyak siya nang makita niya at makaharap miyembro ng K-pop group na SHINee na si Taemin. Sa kanyang post ay napaupo pa siya sa sahig matapos ang pagkikita nila.

Sharon Cuneta, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon matapos makita si Taemin ng grupong SHINee
Sharon Cuneta, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon matapos makita si Taemin ng grupong SHINee (@reallysharoncuneta)
Source: Instagram

Hindi maitago ni Sharon ang saya at tila hindi siya makapaniwalang makikita si Taemin.

Sa kanyang post kung saan makikita siyang nakaupo sa sahig, sinabi niyang ito umano ang kanyang reaksiyon matapos ang kanilang pagkikita.

Read also

Mickey Ablan sa anak: "I'm so sorry My Baby Girl Yzabel, please forgive Daddy"

After meeting Taemin. Sige magtawa kayo!!! Di ko kinakaya itoooooo!!! So unexpected!!! I didn’t even make a request but God was watching me!!! In two weeks ako naman sa MOA ngeeeee!!! Thank you so much Taeminssi! You are so nice and humble and more handsome in person! Like I promised, I will always pray for you!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami naman sa fans ni Sharon ang nakarelate at ganoon din daw sila kapag makita nila sa personal ang Megastar. Narito ang ilan sa mga mensahe ng kanyang mga fans.

At least u know now the feeling na ma meet mo Ang idol mo, just like what I felt when I met u , na for months or even years Kilig pa rin
Ate, ganyan din ako nung unang una kita na meet

Read also

Bamboo, to the rescue kay Sarah G na hirap sa pagkanta dahil umano sa health condition

Yung nakikita Namin na ganyan na ganyan din Po reaction Namin nung una Kang Makita, naiyak Ng malala at natulala Ng halos Isang buwan. Haha!

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Cherie Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw nang pumanaw na ito. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagkawala ng kaibigan.

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt. Gayunpaman, hindi siya pinapasok ng doorman sa naturang store kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila. Matapos mamili ay nadaanan pa nila ang Hermes na store at kinawayan ni Sharon ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya at sinabihang "See? I bought everything."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel