Bamboo, to the rescue kay Sarah G na hirap sa pagkanta dahil umano sa health condition

Bamboo, to the rescue kay Sarah G na hirap sa pagkanta dahil umano sa health condition

- Sinalo ni Bamboo ang kanyang ka-tandem na si Sarah Geronimo sa concert nila kamakailan sa Cebu

- Kapansin-pansing tila hirap kumanta sa awitin ni Bamboo na 'Himala'

- Matatandaang na-postponed ang isa sa mga concert tour ng dalawa dahil din umano sa lagay ni Sarah

- Sa isang interview, naipaliwanag niya ito sa media at kasama na rito ang umano'y kakulangan sa preparasyon lalo na sa kanyang boses

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

To the rescue ang singer na si Bamboo sa kanyang ka-tandem na si Sarah Geronimo nang tila nahirapan ito sa pagkanta sa concert nila sa Cebu noong Oktubre 13.

Bamboo, to the rescue kay Sarah G na kapansin-pansin ang umano'y problema sa boses
Bamboo and Sarah Geronimo (@bamboomuzaklive)
Source: Instagram

Sa video na ibinahagi ng Sunstar Cebu, makikitang tila kinakapos sa boses si Sarah sa umpisa ng kanta.

Maging ang audience nila ay nakikanta na rin gayung kapansin-pansing nahihirapan ang Popstar royalty.

Read also

KC, may mahabang partisipasyon umano sa concert nina Sharon at Gabby ayon kay Cristy

Maya-maya pa'y pumanhik na rin sa stage si Bamboo at nakikanta kay Sarah.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ngunit nang makabwelo, naipagpatuloy pa rin ni Sarah ang awitin habang nakaalalay pa rin sa kanya si Bamboo.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Sarah Geronimo Guidicelli ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand winner ng Star for A Night noong 2003. Mula noon, hindi na mapigilan ang kanyang kasikatan dahil bukod sa pag-awit, nakilala rin siya bilang isang mahusay na aktres. Noong 2020, ikinasal siya sa Filipino actor, model, singer at kart racer na si Matteo Guidicelli.

Noong Mayo, ipinagdiwang ni Sarah ang 20 taon niya sa showbiz sa isang concert na ginanap sa Araneta Coliseum. Usap-usapan ito lalo na at marami umanong nag-abang kung dadalo ang pamilya ni Sarah lalo na ang kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Read also

OFW sa Israel, nagbigay ng update sa RTIA: "Sanay na ako. Pero ngayon po, worst po talaga"

Samantala, nagkaroon ng espekulasyon kamakailan kay Sarah na inakala ng marami na nagdadalang tao na. Ito ay dahil sa na-postponed na show nila ni Bamboo na ang sinabing dahilan ay 'medical condition' ng Popstar royalty. Nilinaw naman ito ni Sarah at sinabing tila kinulang lamang siya sa preparasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel