Baron Geisler at misis, muling namataan matapos ang mga usap-usapang hiwalayan

Baron Geisler at misis, muling namataan matapos ang mga usap-usapang hiwalayan

  • Nakita sina Baron Geisler at Jamie Evangelista na magkasamang dumalo sa isang couples’ retreat, bagay na umani ng atensyon matapos ang mga usap-usapan tungkol sa kalagayan ng kanilang pagsasama
  • Ibinahagi ni Baron ang ilang larawan mula sa naturang retreat at sinamahan ito ng mahabang mensahe tungkol sa mga hamon, pag-unawa, pagpapatawad at pagpili sa isa’t isa sa loob ng isang kasal
  • Sa kanyang post, binigyang-diin din ng aktor ang kahalagahan ng pananampalataya sa pagpapatatag ng relasyon at nagbahagi pa ng talata mula sa Bibliya tungkol sa pag-aasawa
  • Ang kanilang pagdalo sa naturang retreat ay dumating matapos ang mga social media posts at iba pang pangyayari na naging dahilan upang mapag-usapan ng publiko ang estado ng kanilang relasyon nitong mga nakaraang araw

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Muling nakita na magkasama sina Baron Geisler at kanyang asawang si Jamie Evangelista matapos silang dumalo sa isang couples’ retreat sa gitna ng mga usap-usapan tungkol sa umano’y pinagdaraanan ng kanilang pagsasama.

Read also

Claudine Barretto, nagsalita tungkol sa cyberbullying at posibleng pagsasampa ng kaso

Baron Geisler at misis, muling namataan matapos ang mga usap-usapang hiwalayan
Baron Geisler at misis, muling namataan matapos ang mga usap-usapang hiwalayan (📷Baron Geisler/Facebook)
Source: Facebook

Ibinahagi ng aktor ang ilang larawan mula sa naturang pagtitipon sa kanyang Facebook page noong Oktubre 16. Kalakip ng kanyang post ang isang mensahe tungkol sa realidad ng pag-aasawa at sa kahalagahan ng pagpiling manatiling magkasama sa kabila ng mga hamon.

Ayon kay Baron:

“Marriage is not always easy. There will be seasons of joy and seasons of challenges, moments of understanding and moments when we struggle to understand each other.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ipinaliwanag din niya na ang pagmamahal ay hindi lamang emosyon kundi isang desisyong ginagawa araw-araw.

“But love is more than a feeling. It is a choice we make every day — to listen, to forgive, to be patient, and to keep showing up for one another.”

Dagdag pa niya:

“This retreat is an opportunity to pause, reconnect, heal where healing is needed, and remember the love and commitment that brought us together.”

Sa parehong post, binigyang-diin ni Baron ang kanyang pananampalataya sa Diyos at sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Ibinahagi rin niya ang talata mula sa Mateo 19:6.

Read also

Dawn Chang at Atty. Ralph Calinisan, engaged na matapos ang 5 taon

“Therefore what God has joined together, let no one separate.”

Nagbigay rin siya ng panalangin para sa kanilang pagsasama.

“May God continue to strengthen our marriage, restore what needs restoring, and teach us both to love each other with grace, humility, and understanding.”

At idinagdag pa niya:

“Through thick and thin, may we continue choosing each other, walking together, and keeping God at the center of our marriage.”

Ang pagdalo nina Baron at Jamie sa couples’ retreat ay naging kapansin-pansin dahil sa mga naging usap-usapan kamakailan tungkol sa kanilang relasyon. Lumabas noon ang ilang social media posts ni Jamie na naging sentro ng mga talakayan online. Nadagdagan pa ang mga espekulasyon nang mapansing hindi na nila sinusundan ang isa’t isa sa Instagram.

Gayunman, kalaunan ay napansin ng mga netizen na muli silang nag-follow sa isa’t isa sa naturang platform. Sa pinakahuling post ni Baron, nakita naman silang magkasamang nakikibahagi sa retreat na nakatuon sa pagpapatatag ng relasyon at pananampalataya.

Si Baron Geisler ay isa sa mga kilalang aktor sa bansa na nakilala sa kanyang mga pagganap sa pelikula at telebisyon. Sa mga nakalipas na taon, naging bukas din siya sa pagbabahagi ng kanyang personal na paglalakbay, lalo na pagdating sa pamilya, pananampalataya at mga pagbabago sa kanyang buhay.

Read also

Ina, nasugatan matapos pagsabihan ang 14-anyos na anak tungkol sa pag-aaral

Habang patuloy na pinag-uusapan online ang kanilang sitwasyon, marami ang nakatutok sa mga susunod pang update mula sa mag-asawa.

Samantala, sa isang naunang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Jamie Evangelista ang kalagayan ng kanyang asawa sa gitna ng mga lumalabas na usap-usapan online. Nagbigay siya ng pahayag upang magbigay-linaw sa ilang isyung kinakaharap ng aktor at humingi rin ng pang-unawa para sa kanilang pamilya. Dahil dito, naging sentro ng atensyon ang mag-asawa sa social media.

Sa isa pang ulat, nagsalita rin si Baron upang tugunan ang mga kumakalat na impormasyon tungkol sa kanya. Sinabi ng aktor na siya ay ligtas at maayos habang kasama ang kanyang pamilya. Ang naturang pahayag ay mabilis na kumalat online at nakatulong upang malinawan ang ilan sa mga isyung lumabas kaugnay sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate