Boy Abunda, nagalit sa pambabatikos kay Josh Aquino; may panawagan kay Kris

Boy Abunda, nagalit sa pambabatikos kay Josh Aquino; may panawagan kay Kris

  • Naglabas ng saloobin si Boy Abunda sa kanyang programang “Fast Talk with Boy Abunda” matapos kumalat online ang isang podcast clip kung saan naging paksa si Josh Aquino at ang pagkukumpara sa kapatid niyang si Bimby
  • Ayon sa TV host, hindi niya nagustuhan ang mga naging komento laban kay Josh at binigyang-diin niyang hindi dapat maliitin ang isang taong may kapansanan
  • Ibinahagi rin ni Boy ang personal niyang karanasan nang bumisita siya kay Kris Aquino at kung paano umano ginagampanan ni Josh ang kanyang papel sa loob ng kanilang tahanan
  • Naniniwala si Boy na mahalagang pag-usapan ang insidente upang magkaroon ng mas malawak na kamalayan hinggil sa paggalang at tamang pagtrato sa mga persons with disabilities

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagpahayag ng saloobin si Boy Abunda matapos kumalat sa social media ang video clip mula sa podcast na “Maching Chismisan” kung saan naging sentro ng usapan si Josh Aquino, ang panganay ni Kris Aquino.

Read also

Jam Magno, itinanggi ang pagiging DDS at ibinahagi ang dahilan ng kanyang desisyon

Boy Abunda, nagalit sa pambabatikos kay Josh Aquino; may panawagan kay Kris
Boy Abunda, nagalit sa pambabatikos kay Josh Aquino; may panawagan kay Kris (📷GMA Network/YouTube)
Source: Youtube

Sa simula ng kanyang programang “Fast Talk with Boy Abunda,” diretsahang ibinahagi ng beteranong TV host ang kanyang reaksiyon sa kontrobersiyang naging usap-usapan online.

“This is very difficult for me, mga kaibigan. Nakakagalit. Ang dami-dami ko pong katanungan,” saad ni Boy.

Ayon pa sa kanya, napanood niya ang viral na clip at bagama't hindi pa niya napapanood ang buong podcast episode noong mga oras na iyon, hindi niya naiwasang punahin ang mga naging pahayag laban kay Josh.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Isa sa mga puntong tinutulan ni Boy ay ang pagkukumpara umano kay Josh at sa nakababatang kapatid nitong si Bimby.

Binigyang-diin din ng host ang pagmamahal ng pamilya Aquino kay Josh.

“Mahal na mahal po si Josh ng pamilya Aquino. Mahal na mahal si Josh ni Kris. Mahal na mahal si Josh ng dating pangulo, ni former president Noy Aquino.”

Sa naturang episode, nagbahagi rin si Boy ng kanyang alaala mula sa naging pagbisita niya noon kay Kris Aquino. Ayon sa kanya, may kanya-kanyang responsibilidad ang magkapatid habang inaalagaan ang kanilang ina.

Read also

Jam Magno, itinanggi ang pagiging bayaran at ibinahagi ang pananaw sa politika

Kasunod nito ay muling ipinagtanggol ni Boy si Josh laban sa mga batikos.

Ibinahagi rin ni Boy na kung siya ang tatanungin ng kanyang malapit na kaibigang si Kris Aquino, maipapayo niya ang pagkuha ng legal na hakbang kaugnay ng insidente.

“Ako, if Kris will ask me, we haven’t had a chance to speak about it but I would tell her, ‘Go to court! Idemanda mo! Dahil labag ito sa batas.”

Sa gitna ng usapin, muling nabigyang-pansin ang Republic Act 9442 o Magna Carta for Disabled Persons, na nagbibigay ng proteksiyon sa mga persons with disabilities laban sa iba't ibang anyo ng pangungutya at diskriminasyon.

Para kay Boy, hindi dapat matapos sa simpleng diskusyon online ang isyu. Aniya, mahalagang magsilbi itong pagkakataon upang higit na maunawaan ng publiko ang kahalagahan ng paggalang sa mga taong may kapansanan.

Bago matapos ang kanyang mensahe, nagpadala rin siya ng suporta kay Josh.

“I love you, Josh. I saw him grow up. He’s a fine, young man. He’s a good boy.”

Read also

Barbie Imperial, pinag-usapan matapos mapansing nag-like ng ilang komento

Si Josh Aquino ay ang panganay na anak ni Kris Aquino. Sa mga nakaraang taon, naging bukas ang kanilang pamilya sa pagbabahagi ng ilang detalye tungkol sa kanyang kondisyon at sa kanilang karanasan bilang pamilya. Dahil dito, maraming tagasuporta ng Aquino family ang nagpahayag din ng kanilang reaksyon sa kontrobersiyang umikot kamakailan sa social media.

Samantala, narito ang ilan pang kaugnay na balitang lumabas sa Kami.com.ph

Sa hiwalay na ulat ng Kami.com.ph, nagbigay ng suporta si Darla Sauler kay Josh Aquino sa gitna ng pagkalat ng podcast clip na naging dahilan ng mainit na diskusyon online. Sa kanyang mensahe, ipinakita niya ang pakikiisa at suporta para kay Josh habang maraming netizens ang nagpahayag din ng kanilang saloobin tungkol sa isyu.

Sa isa pang ulat, nagbahagi rin ng reaksyon si Dindo Balares kaugnay ng mga naging pahayag laban kay Josh Aquino. Tinalakay ng entertainment writer ang kanyang pananaw sa kontrobersiyang umani ng malawak na atensyon mula sa publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate