Carlo Aquino, viral dahil sa kanyang Miss Bacolod Masskara 2023 performance

Carlo Aquino, viral dahil sa kanyang Miss Bacolod Masskara 2023 performance

- Usap-usapan si Carlo Aquino dahil sa kanyang video na kumakalat sa social media

- Ito ay ang kanyang performance sa Miss Bacolod Masskara 2023 kung saan kumanta siya para sa mga kandidata

- Kinanta niya ang awitin ni Adie na pinamagatang 'Paraluman'

- Matatandaang kamakailan ay nag-viral din ang serenade video ni Albie Casiño

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Viral ang video ng pagkanta ni Carlo Aquino sa Miss Bacolod Masskara 2023. Nag-perform siya para mag-serenade sa mga contestants sa naturang pageant na ginaganap kasabay ng Masskara Festival sa Bacolod tuwing buwan ng Oktubre.

Carlo Aquino, viral dahil sa kanyang Miss Bacolod Masskara 2023 performance
Carlo Aquino, viral dahil sa kanyang Miss Bacolod Masskara 2023 performance
Source: Instagram

Ibinahagi ng Facebook user na may pangalang Claire Laurencio ang video ng kanyang performance na umani ng samu't-saring komento at reaksiyon. Matatandaang maging si Albie Casiño ay umani din ng mga komento sa kanyang performance noong Agosto nang mag serenade din siya sa mga beauty pageant contestants.

Read also

Gerald Anderson, nagbukas ng panibagong branch ng kanyang gym

Kinanta ni Carlo ang awitin pinasikat ni Adie na pinamagatang 'Paraluman.'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noong siya ay bata pa lamang ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”

Matatandaang inalmahan ni Barbie Imperial ang pandadawit sa kanya sa paghihiwalay nina Carlo at Trina Candaza. Sa kanyang YouTube video kung saan nagbasa at nag-react siya sa mga mean comments sa kanya, isang netizen ang nagsabing siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dating magkarelasyon. Nilinaw ni Barbie na hindi siya ang dahilan lalo at naghiwalay umano sila noong nakaraang taon at ngayong taon lang sila nagkatrabaho ni Carlo. Nagkasama sina Barbie at Carlo sa pelikulang "I Love Lizzy" na bahagi ng 30th anniversary ng Star Magic.

Read also

Jason sa movie ni Melai: "Manood at support natin ang pinakamaingay na babae na kilala ko"

Namataan si Carlo kasama ang si Charlie sa isang restaurant sa La Union. Sa isang Facebook post ng Halo Halo de iLoko sa La Union, makikita ang picture ng dalawa. Matatandaang nauna na ring nagbahagi ng picture si Charlie ng picture kung saan kasama niya si Carlo habang kasama ang mga kaibigan ng aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel