Vice Ganda, sinaway ang isang contestant: ‘We don’t normalize and romanticize that’

Vice Ganda, sinaway ang isang contestant: ‘We don’t normalize and romanticize that’

- Inalmahan ni Vice Ganda ang isang contestant na nag-shout out sa show

- Nabanggit kasi nito ang pag-shoutout sa kanyang asawa at nabanggit niya rin ang salitang patungkol sa pagkakaroon ng ibang karelasyon bukod sa asawa

- Ani Vice, hindi dapat nino-normalize ang ganitong mga salita lalo at nasa noontime show sila

- Dagdag pa niya, marami na silang issue kaya dapat hindi ito binabanggit sa kanilang programa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi na pinalampas ni Vice Ganda ang pagkakataon na itama ang isang contestant na tila kaswal lang ang pagbanggit ng iba niyang karelasyon maliban sa asawa. Ani Vice, marami na silang isyu at hindi ito dapat nino-normalize.

Vice Ganda, sinaway ang isang contestant: ‘We don’t normalize and romanticize that’
Vice Ganda, sinaway ang isang contestant: ‘We don’t normalize and romanticize that’ (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram
‘We don’t normalize and romanticize that’

Ito ang naging paalala ng TV personality na si Vice Ganda sa kay Jennylyn, ang contestant sa segment na “Rampanalo” ng It’s Showtime, makaraang i-shoutout nito ang kanya umanong “kab*t.”

Read also

Kylie Padilla, aminadong ang pagiging single mom ang pinakamahirap para sa kanya

“Shoutout sa asawa ko… ay sa k*bit ko, sorry,” wika ni Jennylyn.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Uy, no. Hindi natin shina-shoutout ’yon. That’s very wrong. Okay. Hindi pinagmamalaki ’yan ate,” saad naman ni Vice.

“Hindi maganda ’yung salitang ’yon, lalo na sa tanghali. Ano ka ba, ang dami na naming issue, dadagdag ka pa. Babu!” pagpapatuloy ni Vice.

“Sorry, sorry Meme Vice,” pahayag naman ni Jennylyn.

“Yes. We don’t normalize and romanticize that,”

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Lovely Abella mourns Joey Paras’ death; opens up about experience with him

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate