Kampo ni Lakam Chiu, naghain ng mosyon para sa makatuwirang piyansa
- Naghain ang kampo ni Lakambini “Lakam” Chiu ng mosyon sa Quezon City Regional Trial Court para hilingin ang mas mababang bail matapos irekomenda ang halagang P5.8 milyon kaugnay ng kanyang qualified theft case
- Ayon sa abogado niyang si Dominic Solis, wala sa kakayahan ni Lakam sa ngayon na maipon ang buong halagang hinihingi kaya ang hiling nila ay isang “reasonable bail” na hindi magiging hadlang sa pansamantalang paglaya
- Si Lakam ay naaresto nitong Linggo sa isang condominium parking lot sa Mandaluyong City batay sa warrant na sumasaklaw sa 124 counts ng qualified theft at kasalukuyang nasa custodial facility ng Kamuning Police Station
- Samantala, sinabi ng kampo ni Kim Chiu at ng House of Little Bunny Philippines Inc. na sinusuportahan nila ang legal na proseso at nilinaw na ang reklamo ay may kaugnayan sa umano’y pagkuha ng corporate funds, hindi lamang sa personal na alitan ng magkapatid
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naghain ng mosyon ang kampo ni Lakambini “Lakam” Chiu para mabawasan ang P5.8-milyong bail na inirekomenda ng Quezon City court sa kanyang kinakaharap na qualified theft case.

Source: Instagram
Kinumpirma ito ng kanyang abogado na si Dominic Solis sa isang panayam sa ABS-CBN News. Ayon sa abogado, humihiling sila sa Quezon City Regional Trial Court Branch 84 ng halagang magiging makatuwiran at kayang maabot ng kanyang kliyente.
“We have already filed a motion to reduce the bail. Napakalaki nga po ng amount na hinihingi or recommended and Ms. Chiu at this point of time simply does not have the means to post that entire amount,” ani Solis.
Ipinaliwanag din niya na nais lamang nilang magkaroon si Lakam ng pagkakataong pansamantalang makalaya habang nagpapatuloy ang paglilitis sa kaso.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Ang hiling po namin ay reasonable bail naman po na hindi magiging hadlang sa kanyang karapatan na pansamantalang makalaya habang nililitis ang kaso,” dagdag niya.
Naaresto si Lakam nitong Linggo ng hapon sa parking lot ng isang condominium sa Mandaluyong City. Isinagawa ang pag-aresto batay sa warrant na may petsang Setyembre 8 at sumasaklaw sa 124 counts ng qualified theft.
Ayon kay Police Lt. Col. Aljun Belista, station commander ng Quezon City Police District-Kamuning Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa presensya ni Lakam sa lugar.
“May natanggap kaming report about diyan sa presence ng accused doon sa area ng Mandaluyong,” ani Belista. “Cooperative naman po sila at parang anticipated na po na may warrant.”
Kasunod ng pag-aresto, dinala si Lakam sa custodial facility ng Kamuning Police Station. Sinabi naman ni Solis na bahagyang naapektuhan ang kanyang kliyente sa nangyari.
“Kagabi po, understandably, she’s a little bit shaken. Medyo bago po ito,” sabi ng abogado. “Malungkot po ang pangyayaring ito lalo na’t ang kasong ito ay nag-ugat sa isang alitan ng mga magkakapatid.”
Samantala, nagpahayag ng suporta ang kampo ni Kim Chiu sa pagpapatuloy ng legal na proseso. Sinabi ni Margarein Archernar Gregana, legal counsel ni Kim at ng House of Little Bunny Philippines Inc. (HOLB), na umaasa silang makatutulong ang pag-aresto sa pagpapatuloy ng kaso.
“We are hopeful that this crucial step will expadite the ongoing legal proceedings,” ani Gregana.
Nag-ugat ang reklamo sa umano’y financial discrepancies na umaabot sa P44.4 milyon mula Enero hanggang Hulyo 2025 sa HOLB, isang kumpanyang parehong stockholders sina Kim at Lakam.
Nilinaw naman ni Gregana na para sa kanilang kampo, ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y pagkuha ng corporate funds at hindi simpleng personal na hindi pagkakaunawaan.
“These charges are strictly involves the unlawful taking of corporate funds and not a pesonal dispute between Lakam and Ms. Kim Chiu,” aniya.
Hindi muna tinalakay ni Solis ang merito ng kaso dahil nasa korte na ito. Gayunman, sinabi niyang umaasa pa rin silang maaayos ang sitwasyon sa pagitan ng magkapatid.
“Umaasa pa rin po kami na sana maayos po ito ng magkapatid,” ani Solis.
Sa panig naman ng kampo ni Kim, sinabi ni Gregana na wala pa silang natatanggap na alok para sa settlement mula sa legal team ni Lakam.
“Wala pa nagri-reach out sa amin talaga sa legal team upon filing ng complaint as to this, no offer, no anything. So, ayon. We take it as that,” pahayag niya.
Bago ang pag-aresto, naiulat na umaasa si Lakam na maaari pang maayos sa loob ng pamilya ang legal na usapin. Sa naunang ulat ng KAMI noong Setyembre 17, sinabi ng kanyang abogado na nalungkot siya sa naging desisyon ni Kim na ituloy ang kaso ngunit haharapin niya ang mga alegasyon sa tamang proseso ng batas.
Samantala, ilang araw bago lumabas ang legal na usapin, ipinakita naman ni Kim ang pagiging hands-on niya sa House of Little Bunny PH. Sa ulat ng KAMI noong Setyembre 16, personal niyang inayos ang mga Bunny Bags para sa bagong collection at ipinakita ang ilang bagong disenyo ng negosyo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh



