Chloe San Jose, nilinaw kung bakit siya sumasagot sa mga post online

Chloe San Jose, nilinaw kung bakit siya sumasagot sa mga post online

  • Nagbigay si Chloe San Jose ng pahayag sa programang KALURKS! tungkol sa kaniyang mga naging tugon sa social media kaugnay ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo, kasunod ng muling pag-uusap tungkol sa kanilang wedding plans
  • Ayon sa statement ni Chloe, tumutugon lamang siya kapag may nauunang post tungkol sa kanila ni Carlos at sinabi niyang ang ilan sa mga post ay nagmula sa mga kaibigan o taong konektado sa pamilya Yulo na umano’y hindi alam ang buong nangyari
  • Ipinaliwanag din ni Chloe kung bakit naging bukas sila ni Carlos tungkol sa posibilidad ng pagpapakasal, at sinabi niyang tinanong lamang sila ni Karen Davila at natural nilang sinagot ang tanong tungkol sa kanilang relasyon
  • Samantala, sinabi ng KALURKS! hosts na hiningan din nila ng pahayag si Angelica Yulo, ngunit pinili nitong manahimik at sinabing wala siyang ibang sasabihin tungkol sa usapin

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay ng pahayag si Chloe San Jose tungkol sa mga naging tugon niya online kaugnay ng ina ng kaniyang partner na si Carlos Yulo na si Angelica Yulo.

Read also

Sandro Muhlach, nagsalita sa reklamo laban sa amang si Niño

Chloe San Jose, nilinaw kung bakit siya sumasagot sa mga post online
Chloe San Jose, nilinaw kung bakit siya sumasagot sa mga post online (📷Chloe Angeleigh San Jose/Facebook)
Source: Facebook

Inilahad ni Chloe ang kaniyang panig sa second episode ng KALURKS! noong Linggo, Setyembre 20. Ayon kay host DJ Jhai Ho, personal nilang kinontak si Chloe upang hingan siya ng pahayag tungkol sa mga naging komento niya sa social media.

Sa statement na binasa ni DJ Jhai Ho sa programa, ipinaliwanag ni Chloe na hindi umano siya ang unang naglalabas ng komento kapag may mga usapin tungkol sa kanila ni Carlos.

“I only ever say/retaliate when they post something first po. Most likely, hindi po talaga ako nauuna at all. This time, it's not directly from them but from friends/people around them, na obvious naman po na hindi alam 'yung totoo. Which means, hindi din po nila kinu-kuwento fully 'yung mga nangyari behind closed doors,” pahayag ni Chloe.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang kaniyang pahayag ay kasunod ng muling pag-usapan online ang naging panayam nina Carlos at Chloe kay Karen Davila. Sa naturang interview, sinabi ni Carlos na mas gusto niyang maging pribado ang kanilang magiging kasal at hindi niya nais na maapektuhan ito ng mga hindi pa naaayos na usapin sa kanilang pamilya.

Read also

Kampo ni Ryan Bang, nagsalita na sa kontrobersyal na repost ni Paola Huyong

Kasunod nito, naging paksa rin ng mga komento online ang ilang naging tugon ni Chloe tungkol kay Angelica at sa pamilya Yulo.

Sa KALURKS!, ipinaliwanag din ni Chloe ang kaniyang panig tungkol sa mga puna na sana ay hindi na lamang nila pinag-usapan ni Carlos ang kanilang planong pagpapakasal.

“If they're gonna say that we shouldn't have spoken about getting married, we were merely asked and simply answered. Hindi naman po kasi kami sobrang showbiz sumagot and we've always stood authentic to our relationship and as an individual ni Caloy. And sa totoo lang po, when Ms. Karen asked us that specific question, it was just so light for us to answer at that time and Ms. Karen + the studio's energy was so warm as well. So, it was quite funny sa amin ni Caloy na naging big deal siya nung lumabas na 'yung interview publicly.”

Matapos ang naturang panayam, naging mas kapansin-pansin ang mga palitan ng komento sa social media. Nauna nang nagkaroon ng exchange sa isang post tungkol sa posibilidad na maimbitahan si Angelica sa kasal nina Carlos at Chloe, kung saan parehong nagbigay ng kani-kanilang komento ang ilang taong malapit sa magkabilang panig.

Read also

Moira Dela Torre, nagbigay-linaw sa unfollowing issue at dating friends

Naging usap-usapan din ang isang komento ni Chloe tungkol kay Eldrew Yulo. Sa naturang komento, sinabi niyang may ginawa umano si Angelica kay Eldrew na kapareho ng ginawa nito noon kay Carlos.

Sa kabila ng mga naging palitan online, patuloy namang lumalabas sa publiko sina Carlos at Chloe bilang magkasintahan. Nauna ring sinabi ni Carlos na nananatiling maayos ang kaniyang relasyon sa kaniyang mga kapatid kahit may hindi pagkakaunawaan siya sa kaniyang mga magulang.

Samantala, sinabi ni KALURKS! host Ashley Rivera na hiningan din nila ng statement si Angelica tungkol sa mga naging pahayag ni Chloe.

Pinili naman ni Angelica na huwag nang palawakin ang usapin at nagpadala lamang ng maikling tugon.

“Hello po sorry po. I preferred and decided to keep silence po. And wala naman po akong sasabihin po. Thank you so much,” sulat ni Angelica.

Hindi na nagbigay si Angelica ng karagdagang pahayag sa programa tungkol sa mga sinabi ni Chloe.

Bago ang bagong pahayag ni Chloe sa KALURKS!, iniulat ng KAMI na sinabi niyang nakapagpadala na siya ng pribadong mensahe kay Rovelyn Baterbonia, ina ng yumaong student-athlete na si Rene Baterbonia. Ibinahagi rin ni Chloe ang screenshot na sinasabing bahagi ng kanilang pribadong pag-uusap matapos siyang mapuna sa pagbanggit sa pangalan ni Rovelyn online.

Read also

Moira Dela Torre, nagsalita sa estado ng relasyon nila ni Jason Hernandez

Samantala, naging paksa rin ng isang naunang ulat ng KAMI ang tanong ni Ogie Diaz tungkol sa posisyon ni Carlos sa mga naging pampublikong komento ni Chloe tungkol sa kaniyang pamilya. Tinalakay ni Ogie ang usapin habang patuloy na pinag-uusapan online ang relasyon nina Carlos at Chloe at ang hindi pagkakaunawaan sa pamilya Yulo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate