Sachzna Laparan, binura na ang kanyang 'patol moments': "Rektang kaso na lang daw."

Sachzna Laparan, binura na ang kanyang 'patol moments': "Rektang kaso na lang daw."

- Ayon kay Sachzna Laparan, binura na lamang niya ang kanyang 'patol moments'

- Ito ay matapos sabihan siya ng kanyang ina na burahin na daw ang mga ito at idaan na lang daw sa pagsampa ng kaso

- Aniya, kailangan niyang sundin ang kanyang nanay lalo at matino daw ang kanyang nanay

- Burado na rin ang kanyang naunang post kung saan makikita ang sagutan nila ni Veybillyn Gorens

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binura na ni Sachzna Laparan ang aniya'y kanyanag 'patol moment' matapos siyang payuhan ng kanyang nanay na magkakaso na lang sila. Sa nauna niyang post ay sinabihan niya si Jomar Lovena na hindi na lang siya papatol alang-alang sa kanilang pinagsamahan at sa anak na rin ni Jomar.

Sachzna Laparan, binura na ang kanyang 'patol moments': "Rektang kaso na lang daw."
Sachzna Laparan, binura na ang kanyang 'patol moments': "Rektang kaso na lang daw." (@sachzna)
Source: Instagram

Sa kanyang nabura nang post, sinabi ni Sachzna na hindi na lang siya papatol alang-alang sa pinagsamahan nila ni Jomar Lovena at sa anak niya.

Read also

Veybillyn Gorens kay Sachzna Laparan: "Mahiya ka te, never kang pinagselosan"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dagdag pa niya, huwag na lang didikit sa kanya ang may asawa't anak dahil napapasama lang daw siya.

Sachzna Laparan, binura na ang kanyang 'patol moments': "Rektang kaso na lang daw."
Sachzna Laparan, binura na ang kanyang 'patol moments': "Rektang kaso na lang daw." (Sachzna Laparan)
Source: Facebook

Si Sachzna Laparan ay isang actress, model at social media influencer. Siya ay isa sa kilalang mga vlogger sa bansa na may mahigit dalawang milyong subscribers. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Love Life (2019), Happy Breakup (2017) and Nothing But the Bests! (2017).

Inamin ni Sachzna na apektado siya sa lumabas na isyu matapos ang nasabi ni Zeinab Harake sa kanyang live video. Kaugnay ito sa malapit niyang kaibigang si Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si Pastillas Girl na ayon kay Zeinab ay may nasabi din tungkol kay Sachzna. Hindi naman umano siya masyadong nasaktan sa sinabi ni Zeinab na wala naman siyang mapapala kung makikipag-collab siya kay Sachzna dahil totoo naman umano ito. Gayunpaman, hindi din umano malapit ang loob niya kay Zeinab dahil may nasasabi din ito laban sa kanya.

Read also

Xian Gaza kay Zeinab Harake: "Hindi ka na ata marunong magsuklay mag-isa eh"

Sa isang bihirang pagkakataon ay muling nagkasama ang dating magka-tandem na sina Jomar Lovena at Sachzna. Gayunpaman, sa pagkakataong ito ay kasama nila ang kani-kanilang mga partner sa totoong buhay. Kasama din nina Jomar at Veybillyn ang kanilang anak na si Baby Sety nang pumunta sila kina Sachzna. Ikinatuwa ito ng mga tagahanga ng tambalan ng dalawa na nabuo noong magkasama pa lang sila sa mga vlogs nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate