Jennica Garcia, inaming magda-dalawang taon na silang hiwalay ni Alwyn Uytingco

Jennica Garcia, inaming magda-dalawang taon na silang hiwalay ni Alwyn Uytingco

- Ayon kay Jennica Garcia, matagal na rin silang magkahiwalay ni Alwyn Uytingco

- Gayunpaman, iniwasan niya lamang na magsalita tungkol sa kanilang paghihiwalay

- Sa panayam sa kanya ni DJ Jhaiho, nabanggit niyang hindi din talaga siya magiging bukas na pag-usapan ang tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay

- Aniya, komportable lang siya kay Jhai ho kaya siya nakakapgkwento tungkol dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinabi ni Jennica Garcia sa panayam sa kanya ni Jhai Ho na dalawang taon na din silang hindi mag-asawa ni Alwyn Uytingco. Gayunpaman, iniwasan niya lamang na magsalita tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Jennica Garcia, kinumpirmang dalawang taon na silang hiwalay ni Alwyn Uytingco
Jennica Garcia, kinumpirmang dalawang taon na silang hiwalay ni Alwyn Uytingco (@jennicauytingco)
Source: Instagram

May mga lumabas na espikulasyong nagkabalikan sila matapos mag-post ni Alwyn ng picture nilang magkakasama ng kanilang anak ngunit walang kinumpirma si Jennica tungkol dito noon.

“ ‘Yun na po talaga ‘yon. Wala na po talaga ‘kong ibang maisasagot kung hindi, hindi na po talaga kami mag-asawa. Feeling ko, marami ang nagugulat, pero matagal na po. Magda-dalawang taon na po. Hindi siya bago.

Read also

Jennica Garcia, sinabing pamilya pa rin para sa kanya ang pamilya ni Alwyn Uytingco

Sa panayam sa kanya ni DJ Jhaiho, nabanggit niyang hindi din talaga siya magiging bukas na pag-usapan ang tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“I don’t think din talaga na darating ang araw na magiging bukas ako sa isang open interview para pag-usapan kung bakit ito natapos, kung ano ang nangyari. Out of my respect na rin kay Alwyn (Uytingco) and his family, more importantly siyempre, ‘yung parents niya, ‘no.

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Read also

Lovely Abella, pinakilala sa publiko ang anak na si Liam Emmanuel

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel