Mavy Legaspi, binahagi ang karanasan sa mall: "Someone said… 'Mavy, 1+1?'”

Mavy Legaspi, binahagi ang karanasan sa mall: "Someone said… 'Mavy, 1+1?'”

- Naibahagi ni Mavy Legaspi ang karanasan habang naglalakad umano sa isang mall

- Aniya, biglang may nagtanong sa kanya ng 1+1 na matatandaang naitanong din sa kanya sa pagsali niya kamakailan sa Family Feud

- Naitanong sa kanya ag kalokohang kadalasang sinasagot tuwing tinatanong ng 1+1

- Agad na nag-viral ang video clip ng kanyang sagot sa tanong na ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa tweet ni Mavy Legaspi, naibahagi niya ang karanasan habang naglalakad umano sa mall. Bigla umanong may nagtanong sa kanya ng 1+1 na matatandaang naitanong din sa kanya kamakailan nang sumali siya sa Family Feud.

Mavy Legaspi, binahagi ang karanasan sa mall: "Someone said… 'Mavy, 1+1?'”
Mavy Legaspi, binahagi ang karanasan sa mall: "Someone said… 'Mavy, 1+1?'” (@mavylegaspi)
Source: Instagram

Matatandaang naitanong sa kanya kung ano ang kadalasang pabirong sagot tuwing tinatanong nga 1+1. Marami ang naaliw sa sagot niya na "hotdog."

Paliwanag naman ng ilang netizens, malamang ay hindi sanay si Mavy o hindi niya ito narinig sa kanyang mga nakakalaro. Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Read also

Billy Crawford sa pagkakamali ni Alex Gonzaga: "She’s really sorry naman"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Coño kasi kaya di alam yung ganun biruan
Mukha ni mavy parang alam nya talaga ang sagot sa tanong pero ang sagot nya hotdog ok lang yan cute ka naman,
Nakuha mo talaga ang genes ni Mama mo sa comedy.

Si Maverick Legaspi ay isa sa kambal na anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. Ang kakambal niyang Cassy Legaspi ay pumasok na rin sa showbiz kagaya niya. Ang kanilang inang si María Carmina Muñiz Villarroel-Legaspi o mas kilala sa kanyang screen name na Carmina Villarroel-Legaspi ay isang Filipina actress at kilalang TV host.

Sa kanyang YouTube video, ibinahagi ni Carmina ang mga naging kasagutan ng kanyang mister na si Zoren Legaspi sa ilang mga katanungan. Kabilang na dito ang tungkol sa umano'y pinakapaboritong bahagi nito sa kanilang kasal. Ani Zoren, iyon ay ang paglalakad ni Carmina sa aisle dahil sa emosyon na kanyang nararamdaman noong mga panahong iyon. Dito na nagsimulang balikan ni Zoren ang isa sa mga dahilan kung bakit niya naisipang ituloy ang kanilang surprise wedding na may kinalaman pala sa ama ni Carmina.

Read also

RR Enriquez, aminadong awang-awa sa kalagayan ngayon ni Vhong Navarro

Sa kanyang YouTube video, itinanong ni Carmina ang ilan sa mga katanungan para sa kanyang aswang si Zoren. Kabilang dito ay kung handa na ba ito na magkaroon ng karelasyon ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy. Aminado si Zoren na hindi pa siya handa at nagbigay pa ito ng kanyang saloobin kaugnay sa aniya'y nakaugalian kaya maagang namumulat ang mga bata sa pakikipagrelasyon. Naniniwala umano siyang kahit nasa 21 na ang kanyang mga anak ay hindi ito nangangahulugang handa na sa pakikipagrelasyon ang mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel