Zoren Legaspi, hindi pa umano handang magka-bf/gf ang kanyang mga anak

Zoren Legaspi, hindi pa umano handang magka-bf/gf ang kanyang mga anak

- Sa kanyang YouTube video, itinanong ni Carmina Villaroel ang ilan sa mga katanungan para sa kanyang aswang si Zoren Legaspi

- Kabilang dito ay kung handa na ba ito na magkaroon ng karelasyon ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi

- Aminado si Zoren na hindi pa siya handa at nagbigay pa ito ng kanyang saloobin kaugnay sa aniya'y nakaugalian kaya maagang namumulat ang mga bata sa pakikipagrelasyon

- Naniniwala umano siyang kahit nasa 21 na ang kanyang mga anak ay hindi ito nangangahulugang handa na sa pakikipagrelasyon ang mga ito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Seryosong inamin ni Zoren Legaspi na hindi pa siya handa na magkaroon ng karelasyon ang kanyang dalawang anak na sina Mavy at Cassy Legaspi. Isa lamang ito sa mga tanong na sinagot ni Zoren sa vlog episode ni Carmina Villaroel na kanyang pinamagatang "Questions You Wanted to Ask Zoren from IG."

Read also

Zoren Legaspi, naiyak nang nagbalik-tanaw siya sa kasal nila ni Carmina Villaroel

Carmina Villaroel, emosyonal na nagpaalam sa mag-ama niya
Carmina Villaroel-Legaspi (@mina_villarroel)
Source: Instagram

Ani Zoren, dapat ay baguhin ang kultura na naging dahilan kung bakit namumulat nang maaga ang mga bata sa pakikipagrelasyon.

Isang halimbawa umano nito ay ang mga prom kung saan kailangan mayroong ka-date kapag dumadalo dito.

Naniniwala umano siyang kahit nasa 21 na ang kanyang mga anak ay hindi ito nangangahulugang handa na sa pakikipagrelasyon ang mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi umano nangangahulugang malungkot ang puso kapag walang karelasyon sa edad na 20s.

Dapat daw, ibaling ng mga kabataan ang kanilang atensiyon sa iba pang mas mahalagang mga bagay kagaya na lamang sa mga nangyayari sa kasalukuyan.

Ang kanilang anak na si Mavy ay ipinapareha sa kasalukuyan kay Kyline Alcantara samantalang si Darren Espanto naman ang iniuugnay kay Cassy. Sa katunayan ay may mga fans na na sumusuporta sa mga ito.

Read also

Mga apo ni Dagul, naibalik na sa pangangalaga ng ina nito

Si María Carmina Muñiz Villarroel-Legaspi o mas kilala sa kanyang screen name na Carmina Villarroel-Legaspi ay isang Filipina actress at kilalang TV host. Siya ang misis ng isa ring aktor na si Zoren Legaspi.

Pinasok na rin ng kanyang mga anak na sina Mavy at Cassy ang showbiz. Katunayan, kamakailan lamang ay nakitang naiyak talaga si Carmina nang magpaalam ang anak na si Mavy na magtutungo sa kanyang lock-in taping. Hindi mapigilang maging emosyonal ng ina na mawawalay pansumandali sa kanyang anak.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel