Mga apo ni Dagul, naibalik na sa pangangalaga ng ina nito

Mga apo ni Dagul, naibalik na sa pangangalaga ng ina nito

- Sa update ng Raffy Tulfo in Action, ipinakitang naihatid na nina Dagul ang kanyang mga apo sa ina nito

- Ito ay matapos na humingi ng tulong ng ina ng mga bata sa programa upang makuha ang kanyang mga anak na nasa poder ng ama nito na anak ng komedyante

- Ayon sa reklamo, unang umalis ang babae at naiwan ang mga anak dahil sa pandemya

- Subalit ngayon, handa na umano siyang kunin ang mga anak at tapusin na ng tuluyan ang relasyon niya sa anak ng komedyante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakuha ni Sue Ellene Paez ang mga anak niya na nasa poder ng dating kinakasama na anak ng komedyanteng si Romeo "Dagul" Pastrana.

Matatandaang sa unang ulat ng KAMI, dumulog si Sue sa programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong na makuha ang kanyang mga anak.

Read also

Police trainee, inakalang naparusahan sa surpresang marriage proposal ng nobyo

Mga apo ni Dagul, naibalik na sa pangangalaga ng ina nito
Mga apo ni Dagul, naibalik na sa pangangalaga ng ina nito
Source: Facebook

Hindi na raw sila nagkakasundo ng anak ni Dagul na umano'y may bisyo at hindi makakuha ng maayos na trabaho. Aniya, umaasa raw ito sa kanya at siya ang naghahanapbuhay sa kanilang pamilya.

Bukod dito, nagagawa pa raw ng lalake na magsugal at ang masaklap, makailang beses pa siya nitong sinaktan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito ang dahilan kung bakit nauna na siyang umalis sa poder nito ang nasa apat na buwang naiwan ang mga anak dahil sa pandemya.

Subalit noong Enero ngayong taon, sinamahan na mismo ni Dagul ang kanyang anak para maihatid ang mga apo sa ina nito.

Napag-usapan nila sa barangay ang kasunduang tuwing katapusan, mahihiram nina Dagul ang apo ngunit kailangang may ibang kasamang kaanak ang ama sa pagkuha ayon kay Sue. Aniya, gagawin na lamang nila ito para sa mga bata.

Read also

Ina ng Maguad siblings, emosyonal nang makita ang mga lumang post ng panganay na anak

Narito ang kabuuan ng kanilang kasunduan mula sa Raffy Tulfo in Action youtube channel:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTube Star sa bansa kung saan may mahigit 22.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'. Sa ngayon, isa si Tulfo sa mga kumakandidato sa pagiging senador ng bansa sa Halalan sa Mayo ngayong taon.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel