Misis ng pulis na nakaalitan ni Sachzna Laparan sa viral video, nagulat sa babaeng kasama nito

Misis ng pulis na nakaalitan ni Sachzna Laparan sa viral video, nagulat sa babaeng kasama nito

- Nagsalita na sa Raffy Tulfo in Action ang misis ng nagpakilalang pulis sa sa viral video kung saan makikitang nakaalitan ito nina Sachzna Laparan at kanyang mga kasama

- Nagulat umano ang misis sa babaeng kasama ng kanyang mister at sinasabing buntis pa ito

- Bago ang naturang insidente, nakatanggap na umano ng tawag ang misis sa babaeng nagpakilalang nabuntis ng kanyang asawa

- Nilinaw din mismo ng misis na hindi pulis ang mister kundi isa nang security guard

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsalita na ang misis ng nagpakilalang pulis na si Jeffrey Serafica ukol sa viral video nito kung saan nakaalitan ang vlogger na si Sachzna Laparan.

Nalaman ng KAMI na nakipag-ugnayan na si Nelma Serafica sa Raffy Tulfo in Action upang magbigay linaw sa ilang mga pangyayari sa video.

Read also

Lola na labis ang pag-iyak habang namamaalam sa nabagansyang mga alagang aso, viral

Una na rito ang tungkol sa pakilalang pulis ni Jeffrey na isa pa lang security guard.

Misis ng pulis na nakaalitan ni Sachzna Laparan sa viral video, nagulat sa babaeng kasama nito
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Naikwento rin ni Nelma na bago pa man ang insidenteng ito, isang Mary Grace Ventura ang tumawag sa kanya at nagpakilalang nabuntis ng kanyang asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Before po mangyari yan may tumawag po sa akin, nabuntis daw po siya ng asawa ko. Ang kapal daw ng mukha ko na pinagsisiksikan ko pa ang sarili ko sa asawa ko"

Ayon pa kay Nelma, wala raw siyang kaalam-alam na may ibang babae pala ang kanyang mister.

Subalit hindi raw ito ang unang pagkakataon na nagawa ito sa kanya ng kanyang asawa.

Nakapanayam din ng RTIA si Mary Grace na nagpaunlak naman sa programa.

Isa sa mga nasabi ni Mary Grace ay ang hindi pa niya tuluyang pagtanggap kay Jeffrey gayung may asawa nga ito. Kung sakaling madaan daw sa ligal na proseso ang lahat tulad ng annulment, saka lamang daw niya tatanggapin si Jeffrey taliwas sa salaysay ng misis nito at sa nakita ng publiko sa viral video.

Read also

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ipinasilip ang ipinagagawa nilang bahay sa 'bundok'

Narito ang kabuuan ng naging pag-uusap nila sa Raffy Tulfo in Action:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTube Star sa bansa kung saan may mahigit 22.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel