Police trainee, inakalang naparusahan sa surpresang marriage proposal ng nobyo

Police trainee, inakalang naparusahan sa surpresang marriage proposal ng nobyo

- Viral ang kakaibang marriage proposal ng isang police sa nobya niya na isang trainee

- Inakala ng babae na paparusahan sila kaya ipinatawag umano sila sa field

- Pinag-ehersisyo sila kasama ng kanyang mga kaklase kahit na umuulan kaya naman bahagya siyang nakonsensiya

- Hindi nagtagal, lumabas na ang nobyo na kanyang nahampas bago ibigay ang matamis niyang oo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinagiliwan ng marami ang kakaibang marriage proposal sa isang police trainee sa Koronadal, South Cotabato.

Police trainee, inakalang naparusahan sa surpresang marriage proposal ng nobyo
Police trainee, inakalang naparusahan sa surpresang marriage proposal ng nobyo (Screengrab from 1st SCPMFC/ ABS-CBN News)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na laking gulat na lamang ni Patrolwoman Ivy Bacongco nang ipatawag umano sila dahil sa kaparusahan sa hindi nila malaman na kasalanan.

Sa video na kuha pa noong 2020 ngunit kamakailan lamang naibahagi, makikitang lumuluha na si Ivy kahit na nakapiring habang isinasagawa ang parusang ehersisyo kahit na umuulan.

Read also

Ivana Alawi, ipinangalan ang bagong bahay kina Mona at Mama Alawi

Kaya naman nang malaman ang totoong kaganapan na isa pala itong marriage proposal sa kanya ng nobyo, lalo raw siyang naiyak at naawa sa kanyang mga kaklase na nadamay pa sa gimik ng kanya na ngayong mister.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman nahampas muna niya ang nobyo na noo'y nakaluhod na habang hawak ang bulaklak at singsing bago pa niya sagutin ng 'oo' ang pag-aaya nito na "Pakasal na ta."

Sa panayam sa kanila ng ABS-CBN News, naikasal na ang dalawa noong Agosto ng nakaraang taon at kasalukuyan nang nagdadalang-tao si Ivy sa kanilang panganay.

Tila nagiging creative lalo ngayon ang mga Pinoy na nagiging mas nakakakilig ang naiisip na wedding proposal sa gitna ng pandemya.

Kamakailan, nag-viral ang proposal kung saan nagkunwaring hinimatay ang nobyo na labis naman ipinag-alala ng kanyang pakakasalan. Ngunit nang bigla niyang ilabas ang singsing at sabihin ang totoong motibo, agad din namang nag-yes ang babae.

Read also

Ina ng Maguad siblings, emosyonal nang makita ang mga lumang post ng panganay na anak

Gayundin ang isang couple na mahilig sa online games na ginamit pa ng lalake ang paborito nilang laro na Genshin Impact para makapag-propose sa kanyang nobyang si Ronica.

Pinaglaro ng BF si Ronica at sa dulo ng quest nito doon niya nakita ang mahiwagang tanong na "Will you be my waifu?" (Will you be my wife?)

Alam ni Ronica ang hirap ng nobyo mabuo lang ang kakaibang wedding proposal. Inabot daw ito ng isang buwan gayung kailangan pa nitong bilhin ang mga gamit para maisakatuparan ang ganap na labis na nagpasaya sa kanya na ngayong bride-to-be.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel