Ivana Alawi, ipinangalan ang bagong bahay kina Mona at Mama Alawi

Ivana Alawi, ipinangalan ang bagong bahay kina Mona at Mama Alawi

- Sinurpresa ni Ivana Alawi ang kanyang pamilya nang sabihing kina Mona at Mama Alawi nakapangalan ang bagong bahay

- Ngunit bago niya sabihin ang surpresa, na-prank muna niya ang kanyang Mama

- Excited ang buong pamilya sa house tour ng kanilang bagong bahay nang dumating ang mga kasabwat ni Ivana sa prank

- Kaya naman tila nahimasmasan si Mama Alawi nang malamang prank lamang ang mga nangyari lalo na nang sabihin pa ni Ivana ang kanyang surpresa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naluha si Ivana Alawi nang ibahagi niya ang surpresang matagal na niyang nais gawin para sa kanyang ina na tinatawag nilang Mama Alawi pati na rin kay Mona.

Nalaman ng KAMI na sa pinakabagong vlog ni Ivana, isang prank muna ang kanyang hinanda sa ina bago niya sabihin ang napakagandang supresa.

Read also

Police trainee, inakalang naparusahan sa surpresang marriage proposal ng nobyo

Ivana Alawi, ipinangalan ang bagong bahay kina Mona at Mama Alawi
Ivana Alawi, ipinangalan ang bagong bahay kina Mona at Mama Alawi
Source: Facebook

Kasabwat niya ang mga kapatid na sina Amira, Hash at Mona na sa umpisa'y kasama kunwari niya sa house tour ng bago nilang tahanan.

Gayundin ang isang magpapanggap na may-ari umano ng bahay ni Ivana at kunwaring abogado na kasama nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kalagitnaan ng shoot ng kanilang vlog, biglang kumatok ang nagkunwaring abogado at may-ari ng bahay at binigyan ng palugit na tatlong araw para umalis sina Ivana na tinawag pa niya sa tunay nitong pangalan na 'Mariam.'

Paniwalang-paniwala ang ina ni Ivana na napagsabihan ang anak na pumipirma na lamang nang hindi binabasa ang nilalaman ng nilalagdaan.

Kaya naman nang iabot ni Ivana ang brown envelope na sinasabing prank lamang ang lahat, tila nahimasmasan si Mama Alawi.

Lalo na nang sabihin pa ng anak na sa kanya pala ipinangalan ang bahay na ipinagawa para sa kapatid na si Mona.

Read also

Ina ng Maguad siblings, emosyonal nang makita ang mga lumang post ng panganay na anak

Maging si Mona ay nakapangalan din umano sa bahay at walang kaalam-alam sa mga ginawa na ito ng kanyang ate Ivana na tinuturing siyang 'best friend.'

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 15 million ang kanyang YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel