Zoren Legaspi, naiyak nang nagbalik-tanaw siya sa kasal nila ni Carmina Villaroel

Zoren Legaspi, naiyak nang nagbalik-tanaw siya sa kasal nila ni Carmina Villaroel

- Sa kanyang pinakabagong YouTube video, ibinahagi ni Carmina Villaroel ang mga naging kasagutan ng kanyang mister na si Zoren Legaspi sa ilang mga katanungan

- Kabilang na dito ang tungkol sa umano'y pinakapaboritong bahagi nito sa kanilang kasal

- Ani Zoren, iyon ay ang paglalakad ni Carmina sa aisle dahil sa emosyon na kanyang nararamdaman noong mga panahong iyon

- Dito na nagsimulang balikan ni Zoren ang isa sa mga dahilan kung bakit niya naisipang ituloy ang kanilang surprise wedding na may kinalaman pala sa ama ni Carmina

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi napigilang maiyak ni Zoren Legaspi nang mapabalik-tanaw siya tungkol sa pinakapaborito niyang bahagi ng surprise wedding nila ni Carmina Villaroel. Maging si Carmina ay naiyak na rin nang malaman niya ang dahilan ni Zoren kung bakit niya naisipang ituloy ang kanilang surprise wedding.

Read also

Mga apo ni Dagul, naibalik na sa pangangalaga ng ina nito

Zoren Legaspi, naiyak nang nagbalik-tanaw siya sa kasal nila ni Carmina Villaroel
Carmina Villaroel-Legaspi (@mina_villarroel)
Source: Instagram

Kwento ni Zoren, may kaugnayan din ito sa kalukusugan ng ama ni Carmina na si Daddy Reggie nila. Nakatakda umano itong sumailalim sa isang procedure at magiging 50-50 ang kanyang buhay kapag ginawa iyon kaya ani Zoren ay naisip niyang magpakasal sila habang maayos pa ang lagay ng ama ni Carmina.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga viewers sa YouTube channel ng aktres:

Nakakaiyak talaga kc yung surprised n wedding nyo.huhuhu Nice vlog.. Sana more more about zZoren pa with you ate Mina

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang galing ng moral values ni Zoren when it comes to relationship ,kc the di xa pro supporter ng teenage relationship,i admire him frm being a conservative type of man ,Carmina was so fortunate of having one man woman kind of man as well Zoren of having one of the best dedicated wife nd a mom to their twins.

Read also

Pinay sa Ukraine, ibinahagi ang sitwasyon nila sa pagtatago sa basement

Super deserve nyo yung 2 pareho kayong mabait and wala akong ma remember na crazy si zoren ng teenager pa and always taga hanga of Mina forever and na bless pa kayo ng kambal na super loving din, yan talaga ang sana all

Si María Carmina Muñiz Villarroel-Legaspi o mas kilala sa kanyang screen name na Carmina Villarroel-Legaspi ay isang Filipina actress at kilalang TV host. Siya ang misis ng isa ring aktor na si Zoren Legaspi.

Pinasok na rin ng kanyang mga anak na sina Mavy at Cassy ang showbiz. Katunayan, kamakailan lamang ay nakitang naiyak talaga si Carmina nang magpaalam ang anak na si Mavy na magtutungo sa kanyang lock-in taping. Hindi mapigilang maging emosyonal ng ina na mawawalay pansumandali sa kanyang anak.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel