Billy Crawford sa pagkakamali ni Alex Gonzaga: "She’s really sorry naman"

Billy Crawford sa pagkakamali ni Alex Gonzaga: "She’s really sorry naman"

- Naibahagi ni Billy Crawford ang opinyon niya kaugnay sa kinasasangkutang kontrobersiya ni Alex Gonzaga

- Ani Billy, alam niyang alam ni Alex kung ano ang nagawa niyang mali at humingi naman ito ng dispensa

- Dagdag pa ni Billy, maging aral na lang sa lahat ang nangyari at mag-move on na lang sa isyung ito

- Nakausap niya umano si Alex noong araw ng kanyang birthday at biniro pa niya ito kaugnay sa kanyang kinasangkutang isyu

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Billy Crawford na nakausap niya umano si Alex Gonzaga noong kaarawan nito at tawa lang umano ito ng tawa. Ani Billy, alam niyang alam ni Alex kung ano ang nagawa niyang mali at humingi naman ito ng dispensa.

Billy Crawford sa pagkakamali ni Alex Gonzaga: "She’s really sorry naman"
Billy Crawford sa pagkakamali ni Alex Gonzaga: "She’s really sorry naman" (@billycrawford)
Source: Instagram

Dagdag pa ni Billy, maging aral na lang sa lahat ang nangyari at mag-move on na lang sa isyung ito.

“Alam ni Alex kung anong mali ang ginawa niya and she’s really sorry naman. Pero kahit papaano, I think, we should all move on after learning a lesson about. Move-on na tayo, 2023 na, January pa lang,”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Billy Crawford o Billy Joe Ledesma Crawford ay isang Filipino-American actor at TV host na sumikat sa international music scene dahil sa kanyang awiting "Bright Lights," "Trackin'", "When You Think About Me" at "You Didn't Expect That" Bago lumipat sa TV 5, nakilala siya bilang TV host sa ABS-CBN at ilan sa mga palabas kung saan siya ay naghost ay Pinoy Dream Academy, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, Pinoy Boyband Superstar, Your Face Sounds Familiar Kids, Little Big Shots at Idol Philippines.

Matatandaang kinagiliwan ang binahaging family picture ni Coleen sa Instagram. Kasama niya sa naturang picture ang kanyang asawang si Billy Crawford at ang anak na si Amari Crawford. Kinaaliwan ng mga netizens ang cute nilang anak na marunong na rin magpakitang gilas sa camera.

Umani si Billy at kanyang dance partner na si Fauve Hautot ng pinakamataas na puntos matapos ang kanilang dance performance kamakailan. Nakatanggap sila ng 35 na puntos at sila din ang nakakuha ng pinakamataas na puntos noong premiere night kung saan 36 points naman ang natanggap nila. Sa kanilang pinakabagong performance ay nakasama nila sa entablado si Coleen Garcia bilang surprise guest ni Billy. Kabilang si Billy sa mga celebrities na kasali sa Danse avec les stars, isang television dance contest kung saan naipapareha ang mga celebrities sa professional dancers para magtagisan sa pagsayaw ng ballroom at Latin dance.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel