Cristy Fermin, todo puri si Vilma Santos: "Ang ganda-ganda pa rin niya, clean living"

Cristy Fermin, todo puri si Vilma Santos: "Ang ganda-ganda pa rin niya, clean living"

- Todo puri ni Cristy Fermin ang Star for all Seasons na si Vilma Santos

- Aniya, bukod sa angking ganda nitong hindi kumukupas, kahanga-hanga ang narating nito sa buhay

- Gayundin ang pagiging masinop umano nito dahilan para magkaroon ng mga naipundar at ari-arian

- Masaya rin sila para kay Congresswoman Vilma dahil sa unang apo nito kay Luis Manzano

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bilib na bilib si Cristy Fermin sa nag-iisang Star for all Seasons, Vilma Santos. Bukod kasi sa angking ganda nitong walang kakupas-kupas, kahanga-hanga rin umano ang pamumuhay nito sa piling ng mister na si Ralph Recto.

Cristy Fermin, todo puri si Vilma Santos; "Ang ganda-ganda pa rin niya... Clean living"
Vilma Santos
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na napag-usapan ito nina Cristy, Romel Chika at Wendell Alvarez sa 'Showbiz Now Na!' kung saan natalakay din nila ang pagiging lola ni "Ate Vi" sa apo nito kay Luis Manzano.

Read also

Wilbert Tolentino: "Di ka magtatagal sa industriya sa asal na meron ka"

Sa edad daw nitong 69, tila walang umano itong pinagbago na parang nasa 40's o 50's lamang ang edad nito.

"Ang ganda-ganda niya... Clean living!" ani Cristy. Maging ang pagiging masinop nito ay binigyang puri rin ng tatlo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Lalo na at marami itong napundar at mga ari-arian tulad na lamang ng farm nito sa Batangas.

"Napakatindi na ng naiipon ng Star for all seasons," ani Cristy.

"Masinop talaga sa kabuhayan ang Star for all seasons," dagdag pa nito.

Bukod pa rito, wala rin daw itong kaarte-kaarte. Naikwento ni Cristy ang minsang nabanggit ni Luis na sa sala lamang ito natutulog at hindi sa sariling kwarto.

"Sabi nga ni Luis, akala niyo lang po ang mommy ko sikat, Star for all seasons Vilma Santos. Alam niyo po ba na wala siyang sariling kwarto. Natutulog po siya sa sala... alang kaarte-arte hindi ba?"

Read also

Tindero ng ice candy na may British accent, hinangaan ng marami

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez.

Samantala, sa naturang episode din ng Showbiz Now Na! muling napuri ni Cristy Fermin si Bea Alonzo sa kabi-kabilang biyaya nito na buhay ng kanyang pinagpaguran sa showbiz. Gayundin ang ina nitong si Mommy Mary Ann na siyang namamahala ng gumaganda at lumalagong farm ni Bea.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel