Bea, giit pa rin na na-ghost siya ni Gerald: "pinakamalaking pagsisinungaling niya"

Bea, giit pa rin na na-ghost siya ni Gerald: "pinakamalaking pagsisinungaling niya"

- Sa programang 'Fast Talk with Boy Abunda', muling napag-usapan ang hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson

- Ito ay nang matanong ni Boy Abunda kay Bea kung nagtampo ba ito sa kanya sa nagawa niyang interview kay Gerald sa kasagsagan noon ng isyu

- Ani Bea, masakit para sa kanya ang naturang panayam lalo pa at para sa kanya, kalahati nito ay pawang kasinungalingan

- At isa na rito ang umano'y pag-deny ni Gerald na na-ghost niya si Bea

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabigyang pagkakataon si Bea Alonzo na maglabas ng kanyang saloobin ukol sa naging hiwalayan nila noon ni Gerald Anderson.

Bea, giit pa rin na na-ghost siya ni Gerald; "pinakamalaking pagsisinungaling niya"
Bea Alonzo (@fasttalkgma)
Source: Instagram

Sa programang Fast Talk with Boy Abunda, natanong ni Boy kung sumama ba ang loob ni Bea sa kanya dahil sa nagawa niyang interview kay Gerald.

Read also

Bea, inaming nagtampo kay Boy Abunda dahil sa interview kay Gerald; Tito Boy, nag-sorry

"Oo kasi tao lang ako tito Boy. Pero I'm so glad na nasabi mo na iniisip mo 'ko kasi 'yun yung tumatakbo sa isip ko nun na parang, iniisip kaya ako ni tito boy? Kung ano yung nararamdaman and yun nga it's so conmforting to know that you were. And syempre tao lang ako kahit sino siguro yung mag-interview sa kanya that time it would hurt. Especially kung half the time he wasn't telling the truth," ani Bea.

Nasabi rin ni Bea na ang lalong nakadagdag sa sakit ay ang umano'y pagdeny o pagsisinungaling pa ni Gerald na hindi niya umano na-ghost noon si Bea. Isa ito sa mga natanong ni Boy sa panayam niya sa Kapamilya actor.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Siguro 'yung pinakamalaking pagsisinungaling niya was that he never ghosted me because he did," paliwanag ni Bea na siyang dahilan din kung bakit hindi niya kayang makipagkaibigan kay Gerald gayung nagagawa naman niya sa isa rin niyang ex-boyfriend na si Zanjoe Marudo dahil sa maayos nilang paghihiwalay.

Read also

Bea Alonzo, diretsang nasabi na 'di niya kayang makipagkaibigan kay Gerald Anderson

Narito ang kabuuan ng panayam ni Boy Abunda kay Bea mula sa GMA Network YouTube channel:

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Sa ngayon, unti-unti na rin siyang namamayagpag sa mundo ng YouTube kung saan madalas niyang maipakita ang kanyang pamilya at farm na 'Beati Firma"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel