Mommy Mary Ann, ibinida ang mga bonggang regalo sa kanya ni Dominic Roque

Mommy Mary Ann, ibinida ang mga bonggang regalo sa kanya ni Dominic Roque

- Ipinakita nina Bea Laonzo at Mommy Mary Ann ang mga bagong update sa kanilang farm na Beati Firma

- Very hands-on kasi Mommy Mary Ann sa buong farm at mabusisi ito sa bawat detalye na idinadagdag dito

- Isa rin sa mga naipakita nila ay ang mga bonggang regalo sa kanya ni Dominic Roque noong nanliligaw pa raw ito sa kanyang anak

- Nabanggit din nila ang balak na ipatayong vineyard ni Mommy Mary Ann na inspired umano sa kanilang pagpunta sa Spain noong nakaraang taon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong vlog ni Bea Alonzo, ipinakita nila ang mga karagdagan sa kanyang farm na Beati Firma.

Mommy Mary Ann, ibinida ang mga bonggang regalo sa kanya ni Dominic Roque
Mommy Mary Ann and Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ang kanyang Mommy Mary Ann ang punong abala sa bawat detalye ng napakaganda at napakalawak na farm na naipundar ni Bea Alonzo.

Read also

Source ni Cristy Fermin, sinabing dalawa lang umano silang nanood ng My Teacher sa sinehan

Ipinakita nila ang mga bagong panananim at mga namunga roon mapa-prutas man ito bulaklak.

Ipinasilip din nila ang guest house na mismong si Mommy Mary Ann ang namili ng disenyo ng napaka-eleganteng mga furnitures na maging si Bea ay talaga namang natuwa rito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinida rin kasi ni Mommy Mary Ann ang mga bonggang regalo sa kanya ni Dominic Roque maging noong nanliligaw pa ito kay Bea. Isa itong painting na naisipan na nila ngayong ilagay sa guest room kaya nang mahagip ito ng camera, doon niya nasabi kung sino ang nagbigay nito sa kanya.

"Guys, Trivia! Regalo 'to ni Dominic Roque 'nung nililigawan pa lang niya si Bea Alonzo" habang hawak ang naturang painting.

Sa isa pang guest room, naroon din ang isa pa umanong regalo sa kanya ni Dominic, isang sosyal na scented candle.

Read also

Ogie D sa dating interview niya sa Mclisse; "Dito pa lang, may na-sense na ako eh"

"Another trivia, regalo din sa'kin ni Dominic Roque 'yan!" muling nabanggit ni Mommy Mary Ann nang madaanan na nil ang isa pang regalo sa kanya ng boyfriend ng kanyang anak.

Samantala, super proud naman si Bea sa kanyang ina na very hands-on sa kanilang farm. Aniya, wala raw itong inaaksayang bagay. Kung alam niyang mapakikinabangan niya, nagagawan nito ng paraang magamit pa talaga.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel niyang Bea Alonzo:

Matatandaang minsan nang pinuri ni Cristy Fermin si Bea sa paghawak nito ng kanyang pera at mga ari-arian. Gayundin sa naging reaksyon nito nang matanong siya ng press kung ano ang kanyang reaksyon sa mga komentong naibabato sa kanya ni Lolit Solis.

Minsan na ring nabanggit ni Cristy na nais din niyang makapanayam si Mommy Mary Ann ng 'ina sa ina' lalo na noong kasagsagan ng patutsada umano ni Lolit kay Bea.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel