Bea Alonzo, diretsang nasabi na 'di niya kayang makipagkaibigan kay Gerald Anderson

Bea Alonzo, diretsang nasabi na 'di niya kayang makipagkaibigan kay Gerald Anderson

- Diretsahang sinagot ni Bea Alonzo ang tanong sa kanya ni Boy Abunda kung kaya niyang makipagkaibigan kay Gerald Anderson

- Ito ay matapos na mabanggit ni Boy ang pagiging magkaibigan nina Bea at Zanjoe Marudo na dating magkarelasyon sa loob ng anim ng taon

- Ani Bea, hindi ito mangyayari sa kanila ni Gerald na hindi niya umano mapagkakatiwalaan

- Sa naturang panayam din iginiit ni Bea na talagang na-ghost siya ni Gerald

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

"Hindi!" ang halos walang prenong sagot ni Bea kung maari pa ba silang magkaibigan ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Bea Alonzo, diretsang nasabi na 'di niya kayang makipagkaibigan kay Gerald Anderson
Bea Alonzo (Fast Talk with Boy Abunda)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na natanong ito sa kanya ni Boy Abunda matapos na mabanggit nito ang mabuting pagkakaibigan ni Bea sa isa rin sa nakarelasyon niya sa loob ng anim na taon na si Zanjoe Marudo.

Read also

Bea, giit pa rin na na-ghost siya ni Gerald: "pinakamalaking pagsisinungaling niya"

"Hindi because I can never be friends with somebody I cannot trust and somebody who doesn't take responsibility for his actions... So siguro hindi," paliwanag ni Bea

Hanggang ngayon, giit din ni Bea na na-ghost siya umano ni Gerald dahil upang labis siyang masaktan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Siguro 'yung pinakamalaking pagsisinungaling niya was that he never ghosted me because he did," ani Bea.

Ayon pa kay Bea, kalahati umano ng naturang interview noon kay Boy Abunda ay pawang kasinungalingan lamang ni Gerald.

Narito ang kabuuan ng kanilang kwentuhan mula sa programang Fast Talk with Boy Abunda:

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Read also

Bea, inaming nagtampo kay Boy Abunda dahil sa interview kay Gerald; Tito Boy, nag-sorry

Sa ngayon, unti-unti na rin siyang nakikila sa mundo ng YouTube kung saan madalas niyang maipakita ang kanyang farm na 'Beati Firma"

Nakamamangha ang mga ipinagawa ng kanyang Mommy Mary Ann sa farm. Maging ang mga viewers ay labis na namamangha at na-inspire sa naturang vlog.

Kaya naman maging ang batikang showbiz reporter na si Cristy Fermin ay humahanga rin kay Mommy Mary Ann. Todo puri rin naman ni Cristy kay Bea na labis-labis umano ang tinatamasang tagumpay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel