Bea Alonzo, todo puri ni Cristy Fermin; "Sobra ang biyayang dumarating"

Bea Alonzo, todo puri ni Cristy Fermin; "Sobra ang biyayang dumarating"

- Puring-puri ni Cristy Fermin si Bea Alonzo na kasama ang pamilya sa pagpunta sa Spain

- Nakuha na umano ni Bea ang gold card nito sa pagiging residente ng Spain sa pamamagitan ng Residency by investment

- Subalit ang mas ikinahanga ni Cristy kay Bea ay ang pagmamahal nito sa pamilya maging sa kanyang stepfather

- Bumilib si Cristy dahil sa busilak na kalooban ni Bea na marunong magpahalaga sa taong mahal ng kanyang mahal na ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! nabanggit ni Cristy Fermin ang tungkol sa isang bagay na napansin niya sa isang vlog ni Bea Alonzo sa Spain.

Bea Alonzo. todo puri ni Cristy Fermin; "Sobra ang biyayang dumarating"
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay kung paano pagmalasakitan at alagaan ni Bea hindi lamang ang kanyang ina kundi maging ang kanyang stepfather.

Read also

Cristy Fermin, hanga kay Neil Arce sa 'magandang atake' nito sa pagsagot sa isyu

"May isa akong napansin sa kabuuan ng mga vlog kapag sila ay kumakain, si Bea ang naghihimay ng isda, naghihiwa ng karne. Binibigyan niya si Mommy Mary Ann, binibigyan din niya ang kanyang stepdad," pagbabahagi ni Cristy na labis na humahanga sa kabutihan ng puso ni Bea.

"Napakaganda po,. Ako po talaga matandain sa ganyan e. Pagdating sa respeto at pagkaabala, pag-aasikaso, matining ako diyan," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ito marahil ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang biyayang dumarating kay Bea dahil sa napakabuti raw talaga ng kalooban nito.

Katunayan, may katumbas Php30 million ang halaga ng investment nito sa Spain dahilan para maaprubahan ang pagiging residente niya roon.

Hindi biro ang ganoon kalaking halaga na bahagi lamang ng ilan pang mga naipundar niya dala ng kanyang pagsisikap para rin sa kanyang minamahal na pamilya,

Read also

Zeinab Harake sa hinahanap sa isang partner: "Yung hindi ako titignan as trophy"

Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa naturang episode ng Showbiz Now Na!, napag-usapan din nila ang kalagayan ngayon ni Vhong Navarro na nailipat na umano sa Taguig City Jail kamakailan. Tila nakiusap si Cristy sa publiko na huwag agad husgahan si Vhong lalo na at wala pa umanong desisyon ang husgado sa kinakaharap nitong kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel