Zeinab Harake sa hinahanap sa isang partner: "Yung hindi ako titignan as trophy"

Zeinab Harake sa hinahanap sa isang partner: "Yung hindi ako titignan as trophy"

- Ayon kay Zeinab Harake, ang hinahanap niya sa kanyang magiging partner ay yung taong hindi siya titignan bilang isang trophy

- Aniya, gusto niya ang taong mahal talaga at seryoso sa kanya at walang pakealam kung sino talaga siya

- Naibahagi din ni Zeinab na single siya at never nagkarelasyon kagaya sa mga lumabas na bali-balita

- Ang tinutukoy nito ay ang mga lalaking inuugnay sa kanya matapos silang magkahiwalay ni Skusta Clee

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay Zeinab Harake, kung mabibigyan siya ng pagkakataon ang gusto niya sa isang karelasyon ay yung hindi umano siya titignan bilang trophy. Ito ang kanyang naibahagi sa panayam sa kanya ni Luis Manzano sa YouTube segment nitong Luis Listens.

Zeinab Harake sa hinahanap sa isang partner: "Yung hindi ako titignan as trophy"
Zeinab Harake sa hinahanap sa isang partner: "Yung hindi ako titignan as trophy" (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Gusto daw niya ay yung taong totoong mahal siya at walang pakialam sa kasikatan ni Zeinab. Deretsahan din niyang nilinaw na kasalukuyan siyang single, taliwas sa mga lumabas na bali-balitang mayroon siyang karelasyon.

Read also

Zeinab Harake, dinanas munang mag-commute bago kunin ang pinakabago niyang sasakyan

Naibahagi niya din sa panayam sa kanya ni Luis ang tungkol sa kanyang kasiyahan bilang isang ina sa kanyang anak na si Bia.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Matatandaang matapos lumabas ang video ni Wilbert Tolentino ay dumipensa si Zeinab sa mga nilabas na screenshot ni Wilbert laban sa kanya. Ani Zeinab, cropped ang mga nilabas na conversation ni Wilbert kaya hindi umano nailabas ang kabuuan ng kanyang sinabi. Inisa-isa niyang nilinaw ang mga nilabas na screenshot ni Wilbert na umano ay mga nasabi niya laban sa mga sikat na vloggers. Hiling naman ni Zeinab na tigilan na lang ang gulo at huwag na siyang ididikit sa grupo nina Wilbert para matapos na ang gulo.

Nilinaw naman ni Zeinab na bago siya nag-live sa Facebook ay tinawagan niya ang mga taong nadawit sa video na nilabas ni Wilbert. Kinausap at nilinaw niya umano sa mga taong nasangkot ang tungkol sa mga lumabas na screenshot na ayon sa kanya ay kulang na dahil cropped umano ang mga ito. Kabilang sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga sa kanyang mga tinawagan kaugnay dito at nagkaintindihan umano sila. Maging sa kanyang video ay humingi si Zeinab ng dispensa sa mga taong nadamay pa umano.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel