Zeinab Harake, dinanas munang mag-commute bago kunin ang pinakabago niyang sasakyan

Zeinab Harake, dinanas munang mag-commute bago kunin ang pinakabago niyang sasakyan

- Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinakita ni Zeinab Harake ang bagong bili niyang sasakyan

- Bago niya ito kunin, dinanas muna niyang mag-commute tulad ng pagsakay sa tricycle, MRT at bus

- Sobrang saya ni Zeinab sa bago niyang sasakyan na pitong buwan niyang hinintay

- Labis-labis umano ang kanyang pasasalamat na sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap niya ay patuloy naman siyang nabibiyayaan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Zeinab Harake ang pinakabago niyang 'baby' na isang Ram Rebel na sasakyan.

Zeinab Harake, dinanas munang mag-commute bago kunin ang pinakabago niyang sasakyan
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bago niya ito makuha, sinubukan niya muling mag-commute makalipas ang ilang taon na lagi na siyang nakasakay sa sariling sasakyan.

Kasama ang kapatid na si Rana at ilang team Zebby, dinanas muna nila ang sumakay sa MRT, tricycle at sa bus.

Hindi maiiwasang may makakilala kay Zeinab na talagang tanyag lalo na sa social media.

Read also

Aiko Melendez, pinuntahan at tinulungan ang isang pamilyang nakatira sa likod ng mga nitso

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

At nang magutom, nagawa rin nilang kumain sa isa sa mga food stalls sa MRT station.

Sa dulo ng vlog, doon niya ipinakita ang pagkuha sa bagong sasakyan na sobrang nagustuhan niya.

Paliwanag ni Zeinabmhindi siya 'girly' pagdating sa pagpili ng sasakyan kaya naman para sa kanya, akma umano ang kanyang napiling pick-up sa kanyang personalidad.

Aniya, ang anak niyang si Lucas ang hahayaan niyang magbigay ng pangalan sa bago nilang kotse.

"Sobrang thank you Lord, sobrang bini-bless mo 'ko, kahit na may binibigay ka saking pagsubok sa buhay, talagang kakayanin natin para sa pamilya"

Narito ang kabuuan ng video mula sa kanyang YouTube channel na Zeinab Harake:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.2 million subscribers sa kanyang channel.

Read also

Zeinab Harake sa hinahanap sa isang partner: "Yung hindi ako titignan as trophy"

Kamakailan naging kontrobersyal si Zeinab matapos na umano'y isiwalat ni Wilbert Tolentino ang ilan sa mga screenshots ng kanilang naging pag-uusap tungkol umano sa mga kapwa nila vloggers.

Agad na naglabas ng pahayag si Zeinab ukol dito at nag-sorry sa mga pangalang nadawit umano sa kontrobersiya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel