Bea, inaming nagtampo kay Boy Abunda dahil sa interview kay Gerald; Tito Boy, nag-sorry

Bea, inaming nagtampo kay Boy Abunda dahil sa interview kay Gerald; Tito Boy, nag-sorry

- Sa panayam niya kay Bea Alonzo, natanong ni Boy Abunda kung nagtampo ba ito sa kanya dahil sa interview kay Gerald Anderson

- Inamin naman ni Bea na nasaktan umano siya sa naturang interview lalo na at para sa kanya, kalahati ng naturang panayam ay hindi totoo

- Dahil dito, humingi ng dispensa si Boy kay Bea na nauunawaan din naman ang dahilan bakit kailangang gawin ang panayam

- Ani Bea, na sa kabila ng sakit, naunawaan nito kung bakit nagawa ni Boy ang naturang interview

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Makalipas ang ilang taon, nabigyang pagkakataon na makapanayam ni Boy Abunda ang ngayo'y Kapuso star na na si Bea alonzo.

Bea, inaming nagtampo kay Boy Abunda dahil sa interview kay Gerald; Tito Boy, nag-sorry
Bea, inaming nagtampo kay Boy Abunda dahil sa interview kay Gerald; Tito Boy, nag-sorry
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na bukod sa 'Fast Talk' ni Bea sa programa ni Boy, isa sa kanilang napag-usapan ay ang kontrobersyal na panayam ni Boy kay Gerald Anderson noong 2021.

Read also

Gerald Anderson, sinabing magaan karelasyon si Julia Barretto

"Gusto ko lang malaman Bea, nagtampo ka sa akin?" agad na naitanong ni Boy kay Bea na inaming nasaktan sa naturang interview.

"Oo kasi tao lang ako tito Boy. Pero I'm so glad na nasabi mo na iniisip mo 'ko kasi 'yun yung tumatakbo sa isip ko nun na parang, iniisip kaya ako ni tito boy? Kung ano yung nararamdaman and yun nga it's so conmforting to know that you were. And syempre tao lang ako kahit sino siguro yung mag-interview sa kanya that time it would hurt. Especially kung half the time he wasn't telling the truth," ani Bea.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aminado si Bea na sa kabila ng sakit na dulot ng naturang interview, inunawa rin niya si Boy na nais lamang malaman ang bawat anggulo ng nangyari na sa pagkakataong iyon, inalam lamang nito ang panig ni Gerald.

Read also

Ogie D, nabalitaang ilang beses na umanong nakikita ni Andrea ang 'babae' sa condo ni Ricci

"Yes, masakit sa'kin. I was crying nasa farm kami noon. But then, dahil tao rin ako at natututo, na-realize ko it's part of your job as a great interviewer."
"Alam ko na bawat sides of the story, kailangan mong malaman. And you actually asked me if i'm willing to share my story and I opted not to."

Dahil dito, nagkaroon din ng pagkakataong humingi ng dispensa si Boy sa sakit na naidulot ng naturang interview kay Bea.

Narito ang kabuuan ng kanilang makabuluhang panayam mula sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ng GMA:

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Sa ngayon, unti-unti na rin siyang nakikila sa mundo ng YouTube kung saan madalas niyang maipakita ang kanyang pamilya at farm na 'Beati Firma"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel