Gerald Anderson, sinabing magaan karelasyon si Julia Barretto

Gerald Anderson, sinabing magaan karelasyon si Julia Barretto

- Nilarawan ni Gerald Anderson na magaang karelasyon ang girlfriend na si Julia Barrettto

- Aniya, masaya siya sa kanilang relasyon na umabot na sa ikatlong taon ngayon

- Simple lamang daw si Julia at kailanma'y di nanunumbat sa kabila ng hectic schedule niya

- Minsan pa nga ay si Gerald na ang nahihiya sa oras na naibibigay kay Julia kaya naman bumabawi rin umano siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang inilarawan ni Gerald Anderson ang girlfriend na si Julia Barretto na magaan umanong karelasyon.

Julia Barretto and Gerald Anderson
Julia Barretto and Gerald Anderson (@andersongeraldjr)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa ito sa naitanong sa kanya ni Isko Moreno sa YouTube show nitong 'Iskovery Nights'.

"Nasabi ni Gerald na hindi halos niya namalayan na tatlong taon na ang relasyon nila ni Julia dahil sa sayang nararamdaman nila. Sa 3 years na 'yun. Saya! ang gaan, iwan na lang natin 'dun. Sobrang secure siya sa pagkatao niya, maganda siya pero di mo maramdaman napakasimple, magaang kasama. Very supportive sa mga kalokohan ko... Like you know, magpa-practice ako ng basketball 4 hours a day, Mag-aano ako ng negosyo ilang oras sa isang araw. 'Nung pandemic. yung trabaho ring tinanggap ko. 'Di nanunumbat. Walang ganun e. Di mo maramdaman na komplikasyon siya," ani Gerald.

Read also

Gerald Anderson, sumablay sa pag-shoot matapos kantyawan: "Para kay Kim Chiu"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Isko Moreno Domagoso YouTube channel:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Gerald Anderson ay isang aktor sa Pilipinas na produkto ng reality show na Pinoy Big Brother. Matatandaang una niyang nakapareha si Kim Chiu. Bago ang kasakulukuyang relasyon niya kay Julia Barretto, matatandaang naging kontrobersyal ang naging pagtatapos ng relasyon niya kay Bea Alonzo.

Samantala, sa isang panayam kay Bea, sinabi nitong hindi niya kayang makipagkaibigan sa ex na si Gerald Anderson. "Siguro 'yung pinakamalaking pagsisinungaling niya was that he never ghosted me because he did," paliwanag ni Bea. Aniya lahat umano ng mga nasabi ng aktor sa naturang interview sa kanya ni Boy Abunda ay pawang kasinungalingan lamang nito.

Sa programa namang Fast Talk ni Boy Bunda, natanong ng naturang host kung sumama ba ang loob ni Bea sa naturang interview kay Gerald. Ngunit ngayon, masaya na sa kanya-kanyang mga relasyon ang dalawa. Si Gerald kay Julia, si Bea kay Dominic Roque.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel