Gerald Anderson, sumablay sa pag-shoot matapos kantyawan: "Para kay Kim Chiu"

Gerald Anderson, sumablay sa pag-shoot matapos kantyawan: "Para kay Kim Chiu"

- Viral ang video ni Gerald Anderson kung saan makikita siyang naglalaro ng basketball

- Sa kanyang ikalawang pagtira ng kanyang free throw shot ay may biglang sumigaw ng "Para kay Kim Chiu"

- Hindi naman ito napasok ni Gerald at natawa pati ang isa sa commentator dahil aniya ay namali yata ng pangalan na binanggit

- Matatandaang naging magkarelasyon at nagkatambal sina Gerald at Kim noong bago pa lang sila sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sumablay si Gerald Anderson sa pagshoot ng kanyang ikalawang free throw shot matapos may sumigaw ng "Isa pa, para kay Kim Chiu!" Natawa naman ang isa sa commentator dahil aniya ay namali yata ng pangalan na binanggit.

Gerald Anderson, sumablay sa pag-shoot matapos kantyawan: "Para kay Kim Chiu"
Gerald Anderson, sumablay sa pag-shoot matapos kantyawan: "Para kay Kim Chiu" (@andersongeraldjr)
Source: Instagram

Naganap ang larong ito ni Gerald sa MPBL kung saan naglalaro siya para sa koponan ng Marikina.

Read also

Awra Briguela may bagong cryptic post: "Grabeh tigas ng pes"

Nag-viral sa social medi ang video clip na ito kung saan makikita si Gerald na nakatayo sa free throw line na naghahanda para sa ikalawang free throw shot.

Maririnig ang sigaw na "Idol, isa pa para kay Kim Chiu!"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maririnig naman ang commentator na natawa at nagsabi ng nagkamali yata ng pangalang binanggit ang lalaking sumigaw.

Matatandaang naging magkarelasyon at nagkatambal sina Gerald at Kim noong bago pa lang sila sa showbiz. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay nagkakabatian naman sila at maging sina Kim at bagong kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto.

Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay. Gayunpaman, nagkahiwalay sila at naiugnay sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

Read also

Toni Fowler, inalala ang pagiging back up dancer sa It's Showtime

Sa pag-guest ng kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto sa YouTube channel ni Karen Davila, natanong siya kung sigurado siyang hindi siya sasaktan ng kanyang boyfriend. Ani Julia, hindi siya makikipagrelasyon kay Gerald kung hindi niya ito pinagkakatiwalaan. Pinapakita umano nito kay Julia na mapagkakatiwalaan siya at walang dahilan para pagdudahan niya si Gerald.

Sa parehas ding panayam kay Julia, natanong ni Karen Davila kay Julia ang ilang bagay tungkol sa estado ng relasyon nila ni Gerald. Kabilang na dito ay ang posibilidad na magpakasal silang magkasintahan. Ani Julia, naniniwala siyang dadating sa kanila ni Gerald ang tamang panahon tungkol sa usaping ito. Aniya masaya naman siya at secured kahit hindi pa sila kinakasal ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel