Ogie D, nabalitaang ilang beses na umanong nakikita ni Andrea ang 'babae' sa condo ni Ricci

Ogie D, nabalitaang ilang beses na umanong nakikita ni Andrea ang 'babae' sa condo ni Ricci

- Nakarating umano kay Ogie Diaz na ilang beses nang nakikita ni Andrea Brillantes ang sinasabing babae sa condo unit ni Ricci Rivero

- Ayon sa nakausap ni Ogie na common friend ni Andrea, hindi man lang daw naisip ni Ricci ang damdamin ng aktres sa pagkakataong naroon ang babae

- Matatandaang sa Fast Talk with Boy Bunda, sinabi ni Ricci ang katagang "hindi akin 'yung girl" at sa tropa niya ito

- Dahil dito, marami rin daw umanong nagsasabing hindi na sana talaga nagsalita pa si Ricci ukol sa isyung ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabalitaan umano ni Ogie Diaz na hindi lang pala isa kundi maraming beses na umanong nadadatnan ni Andrea Brillantes ang 'babae' sa condo unit ng ex-boyfriend na si Ricci Rivero.

Ogie D, nabalitaang ilang beses na umanong nakikita ni Andrea ang 'babae' sa condo ni Ricci
Ricci Rivero and Andrea brillantes (@riccirivero)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umanong common friend nina Ogie at Andrea ang nagkumpirma nito.

Read also

Xian Gaza, naglabas ng CCTV footage mula sa 'The Bolthole Bar'

Ayon sa kaibigang ito ni Andrea, hindi manl ang naisip ni Ricci ang pakiramdam ng aktres tuwing makikita o mamalamang naroon ang babae sa tirahan ng kanyang boyfriend.

"Ito yung naabutan ni Andrea sa unit ni Ricci na andun na naman yung girl. Na naman! And when you say na naman, ibig sabihin ilang beses na nakita na ito ni Andrea Brillantes. According sa kaibigan ni Andrea, na common friend namin ni Andrea, andalas daw kasi mangyari na nandun yung girl," pagbabahagi ni Ogie Diaz.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ang tanong, sinasabi ba muna ni Ricci kay Andrea na 'o ano ha, nandito 'yung girl," dagdag pa niya.

Matatandaang nagpaunlak ng panayam si Ricci sa Fast Talk with Boy Abunda. Nang mapag-usapan ang isyung ito, nasabi ni Ricci ang mga katagang, 'hindi akin 'yun girl.'

Read also

Sekyu ng TV5, handa umano sa dagsa ng tao: "May pila si kuya Raffy, may pila ang Tito, Vic at Joey"

Dahil dito, inalmahan din ito ng mga nakapanood ng naturang interview at sinabing hindi na sana nagsalita pa si Ricci na hindi naman umano nakakumbinsi sa publiko.

Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh tungkol sa isyung ito sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Andrea Brillantes is a Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Kamakailan lang, gumulantang sa publiko ang hiwalayan nina Andrea at ang dati nitong karelasyon na basketball player na si Ricci Rivero. Matatandaang naging agaw-eksena pa ang pagtatapat ni Ricci noon kay Andrea na kanyang isinagawa matapos itong manood ng kanyang game.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel