Rendon sa hiwalayang Andrea at Ricci: "Turn off ang babaeng immature, #PrayforAndrea"

Rendon sa hiwalayang Andrea at Ricci: "Turn off ang babaeng immature, #PrayforAndrea"

- Nagbigay komento si Rendon Labador sa hiwalayan nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes

- Ayon kay Rendon, magsilbing aral umano ito sa mga kabataan ngayon

- May payo rin umano nito sa mga taong iniwan ng kanilang mga kasintahan

- Kilala si Rendon Labador bilang isa umanong motivational speaker at sa mga komento niya sa kontrobersyal na isyu sa bansa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mabilis na nag-viral ang naging pahayag ni Rendon Labador ukol umano sa hiwalayan nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero.

Rendon sa hiwalayang Andrea at Ricci: "Turn off ang babaeng immature, #PrayforAndrea"
Rendon Labador
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na umani ng samu't saring reaksyon ang pahayag ni Rendon lalo na at kasama pa ito ng screenshot ng video ni Andrea Brillantes habang naglalaro ng lato lato.

"MARAMING PERA PERO ISIP BATA, iiwanan talaga namin kayo #CareerMunaBagoLandi. Para sa lahat ng taong iniwan ng Jowa. Oras na para ayusin ang mga sarili ninyo. Hindi namin kaylangan ng babaeng MARAMING PERA, Mas appealing ang babaeng matured mag isip at may priority sa buhay. Wake up call sa lahat ng kabataan ito na puro paganda lang ang alam pero wala naman laman ang utak. In short, TURN OFF ang babaeng IMMATURE #PrayForAndrea #MoveOn #StayMotivated"

Read also

Joey De Leon sa GMA: "Oy, seven! Kayo ba tumawag na oy, okay ba kayo?"

Isa rin sa post ni Rendon, kasama pa rin ang larawan ni Andrea ay ang caption na "'Yung mga taong nagpapakitang masaya sila, minsan sila pa 'yung taong nasasaktan. #PrayforAndrea #MoveOn #StayMotivated

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang kamakailan, mismong si Ricci ang nagkumpirma ng hiwalayan ni Andrea. Hanggang ngayon, nananatili namang tahimik si Andrea sa sitwasyon.

Narito ang kabuuan ng post ni Rendon:

Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor at motivational speaker. Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Rendon nang hamunin siya ng one on one sa basketball ni Marc Pingris. Ito ay may kaugnayan sa komento ng social media influencer sa naging pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.

Gayundin sa isyu kamakailan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez na muling naungkat dahil sa bagong music video nang nahuli. Ipinagtanggol ni Rendon si Moira gayundin si Zack Tabudlo na nadawit ang pangalan sa kontrobersiya.

Read also

Pictures na magkasama sina Andrea at Ricci, nananatili sa kani-kanilang IG

Maging sa pagiging host ni Paolo Contis ng "Eat Bulaga" ay nabigyang komento ni Rendon kung saan sinabi nitong "sustento muna bago papremyo."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel