RR Enriquez, aminadong awang-awa sa kalagayan ngayon ni Vhong Navarro

RR Enriquez, aminadong awang-awa sa kalagayan ngayon ni Vhong Navarro

- Aminado si RR Enriquez na awang-awa siya sa kalagayan ngayon ni Vhong Navarro

- Kamakailan ay inilipat na si Vhong sa Taguig City jail kung saan nakita siyang naposasan na nakabalot sa maliit na bimpo

- Ani RR, maging siya ay naguluhan sa itinakbo ng kasong ito na inakala niya noong tapos na

- Gayunpaman, tulad ng hiling ng marami, lumitaw na sana umano ang katotohanan ukol sa kasong ito gayung tanging sina Vhong at Deniece Cornejo lamang ang nakakaalam nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa sinasawsawan kamakailan ng 'Sawsawera Queen' RR Enriquez ay ang kasong kinakaharap ni Vhong Navarro.

RR Enriquez, aminadong awang-awa sa kalagayan ngayon ni Vhong Navarro
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na awang-awa umano si RR kay Vhong lalo nang makita niya ang video ng paglipat nito sa Taguig City Jail kamakailan.

"Alam niyo awang-awa ako sa taong to. Kasi parang kahit ako naguguluhan na talaga ako. Parang akala ko, tapos na 'yung issue niya. Kasi nga 'di ba nakapagtrabaho na nga,nakabalik na ulit sa Showtime, tapos nakulong 'yung mga kalaban niya, tapos ngayon ito na naman ulit"

Maging si RR ay naguguluhan umano sa itinatakbo ng kaso ni Vhong gayung nakalipas na ang ilang taon ay tila naging normal na muli ang lahat para sa host ng It's Showtime nang bigla na namang nabuhay ang issue ngayong Setyembre.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umani ito ng iba't ibang reaksyon sa publiko. Ang iba naniniwalang may nagawang kamalian si Vhong kay Deniece Cornejo habang ang iba naman, sinasabing si Vhong ang nabiktima sa sitwasyon.

"Baka naman nagpakita ng motive 'yung ibang babaeng sinasabi niya rito. Hindi natin alam. Ngayon kasi, minsan kapag sumama ka na mag-isa sa isang lalake, nagpunta kayo ng condo dalawa lang kayo. Sometimes ang lalake aasa yan. Alam mo naman sa panahon ngayon 'di ba? 'Wag na tayong pakyeme-kyeme pa. Kung dalawa lang kayo sa isang kwarto, manonood lang kayo ng Netflix whatsoever, expect mo na kahit papaano, maglalandian kayo," ang opinyon umano ni RR sa sitwasyon.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Sa ngayon, isa sa inaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'brutally honest opinion' sa iba't ibang mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel