Cristy, may pakiusap sa publiko; "'Wag po nating husgahan si Vhong Navarro"

Cristy, may pakiusap sa publiko; "'Wag po nating husgahan si Vhong Navarro"

- Tila may pakiusap si Cristy Fermin sa publiko kaugnay ng kalagayan ngayon ni Vhong Navarro

- Hangga't wala pa umanong promulgasyon at desisyon ang husgado, huwag naman sanang tawaging kriminal si Vhong

- Madalas kasing mabansagan na isang kriminal ang isang tao lalo na dito sa ating bansa kung ito ay nakaposas na

- Kamakailan, nailipat na si Vhong sa Taguig City jail at sa paglipat nga nito, kapansin-pansin ang nakatakip na maliit na tuwalya sa umano'y nakaposas nitong mga kamay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling natalakay sa Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika at matinding hamon na hinaharap ngayon ni Vhong Navarro.

Cristy, may pakiusap sa publiko; "'Wag po nating husgahan si Vhong Navarro"
Vhong Navarro (@vhongx44)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na maging si Cristy ay tila nadudurog ang puso na makita si Vhong na nasa ganoong estado na animo'y isang kriminal lalo na nang makitang naposasan ito sa paglipat patungong Taguig City jail.

Read also

RR Enriquez, aminadong awang-awa sa kalagayan ngayon ni Vhong Navarro

Ani Cristy, maituturing daw talaga ito na pinakamalaking pagsubok sa buhay ni Vhong.

"Ito na yata ang pinakamatinding hamon na dumating sa kanyang buhay. Wala nang mas titindi pa rito"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil dito, nakiusap si Cristy na sana'y huwag namang mabansagang kriminal si Vhong lalo pa at wala pa umanong desisyon ang husgado.

"Habang wala pang promulgasyon, habang wala pang desisyon ang husgado, may mga apela pa 'yan. 'Wag po nating husgahan si Vhong Navarro bilang isang kriminal," pakiusap ni Cristy.

"Ang hinihintay na lang po ng ating mga kababayan ngayon, lalo na ng kanyang mga tagahanga, ay ang magiging resulta o resolusyon ng petisyon nila to post bail," dagdag pa nito.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Read also

Sharon Cuneta, pinayuhan ni Cristy Fermin; "Mag-iwan ng konti para sa kapribaduhan"

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa naturang episode, napag-usapan din nina Cristy ang pagiging residente ni Bea Alonzo sa Spain. Puring-puri ni Cristy ang aktres lalo na ang pagpapahalaga at pagmamahal nito sa kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel