Sharon Cuneta, pinayuhan ni Cristy Fermin; "Mag-iwan ng konti para sa kapribaduhan"

Sharon Cuneta, pinayuhan ni Cristy Fermin; "Mag-iwan ng konti para sa kapribaduhan"

- Nagbigay komento sina Cristy Fermin ukol sa naibulalas kamakailan ni Sharon Cuneta na LQ umano nila ni dating Senator Kiko Pangilinan

- Ani Cristy, sana'y nag-iiwan pa rin si Sharon ng ilang dapat sana'y pribadong detalye tungkol sa kanila

- Ito ay bilang pag-iingat na rin sa mga nagiging komento ng netizens lalo na ng mga bashers

- Gayunpaman, masaya naman sina Cristy na nagkaayos na ang mag-asawa sa naging tampuhan nito sa loob ng ilang buwan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na! ay ang pag-aayos nina Sharon Cuneta at senator Kiko Pangilinan mula sa anim na buwan nilang LQ.

Sharon Cuneta, pinayuhan ni Cristy Fermin; "Mag-iwan ng konti para sa kapribaduhan"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa Instagram ng Megastar, naibulalas nitong nagkaayos na sila ng mister gayung inakala niyang nauuwi sa hiwalayan.

Dahil dito, marami umanong nabasa sina Cristy na naging komento ng netizens tungkol sa naibahagi na ito ng Megastar.

"'Yun po ang ibinabato ngayon kay Sharon Cuneta lalo na po ng kanyang mga bashers na nakatapos na pala yung anim na buwan na LQ niyo na akala mo maghihiwalay na kayo... Sana, you kept it to yourself na lang. Sana nag-iiwan ka ng kahit na kapirasong bahagi ng buhay niyo para sa inyo," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Kasi kapag naba-bash kayo, nagagalit kayo tapos parang nagdaramdam kayo. E sino ba ang nagpapain ng salita at sitwasyon, kayo rin naman," dagdag pa nito.

Dahil din kasi sa naturang post ng Megastar, lumabas ang mga memes ng posible umanong dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

"Nakakaloka nga may mga memes pa. Kaya daw sila nag-away kasi nalaman daw ni Senator Kiko na si senador Tito Sotto ang ibinoto ni Sharon."

"Meron din naman daw na siguro ang pinag-awayan nila ng matindi yung pagpunta po ni Sharon Cuneta sa pamilya Sotto para magpakumbaba at humingi ng paumanhin."

Kaya naman muling binigyang diin ni Cristy na sana'y mag-iwan pa rin ng ilang detalye si Megastar sa kanyang sarili para na rin mapangalagaan ang sarili at pamilya sa posibleng maging reaksyon ng publiko.

Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa naturang episode ng Showbiz Now Na!, napag-usapan din nila ang kalagayan ngayon ni Vhong Navarro na nailipat na umano sa Taguig City Jail kamakailan. Tila nakiusap si Cristy sa publiko na huwag agad husgahan si Vhong lalo na at wala pa umanong desisyon ang husgado sa kinakaharap nitong kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel